18,150 total views
Pinuri ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga Pilipinong atletang lumahok sa 2024 Paris Olympics lalo na si two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo.
Ayon sa obispo kahanga-hanga ang pagsusumikap ni Yulo sa kanyang larangan sa gymnastics na nagbigay karangalan sa bawat Pilipino.
“Congratulations, Carlos Yulo! Your remarkable achievement in winning two Olympic gold medals is an inspiration to us all. Your unwavering discipline, relentless determination, and steadfast devotion have propelled you to unparalleled success at the 2024 Paris Olympics,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Sinabi ni Bishop Santos na tulad ng pagpupuri ni Yulo sa Panginoon ang bawat isa ay makasusumpong ng kalakasan sa Diyos kaya’t dapat na paigtingin ang pakikipag-ugnayan at palalimin ang pananampalataya upang mapagtagumpayan ang anumang hamong kakaharapin sa buhay.
“Just like Carlos who is known to be a devout believer of Christ, we can find strength with enduring faith in our devotion to Christ, giving God honor and praise for guiding and protecting us on our path,” ani ng obispo.
Matatandaang makaraang makuha ang unang gold medal lubos ang pasasalamat ng atleta sa Panginoon dahil sa paggabay at kalakasang ipinagkaloob sa pag-ensayo hanggang makamit ang gintong medalya sa Olympics.
“Your two consecutive gold medals are a testament to your remarkable talent and tireless efforts. You have inspired not only a generation of aspiring athletes but people of all ages, that will leave a lasting legacy for the Philippines. Your achievements will continue to motivate and inspire others to reach for their dreams,” saad ni Bishop Santos.
Itinuring naman ni Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino na ‘answered prayers’ ang tagumpay sa Paris Olympics kung saan ito rin ang ika – 100 taon ng pakikilahok ng Pilipinas sa Olympics mula 1924.
Sinabi ni Tolentino na si Yulo ang ‘most bemedaled athlete’ sa kasaysayan ng Pilipinas na may 23 gold medals at kabuuang 38 medalya mula sa iba’t ibang kompetisyong pambansa at pandaigdigan.
Bukod kay Yulo tiyak na makakukuha rin ng bronze medal sina Nesthy Petecio at Aira Villegas sa larangan ng Boxing habang nasa ikaapat na puwesto naman si pole vault athlete EJ Obiena.
Kinilala naman ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Dickie Bachmann ang pagsusumikap ng Team Yulo na sina coach Aldrin Castaneda na isang therapist at gymnastics president Cynthia Carreon.
Magugunitang sa Tokyo Olympics unang nakuha Weightlifter Hidilyn Diaz ang kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa Olympics.