145 total views
Hinikayat ng CBCP Permanent Committee on Public Affairs ang mga botante na ipagdasal ngayong mahal na araw ang kanilang political life at ang paghalal ng mga susunod na lider ng bansa sa nalalapit na eleksyon.
Inaasahan ni Lipa Archbishop Ramon Arguelles, Chairman ng komisyon na sa pamamagitan ng mahal na araw ay sumumpa tayo sa Diyos na gawing bahagi ng ating buhay esperitwalidad ang pagboto.
Ipinagdarasal ng Arsobispo na hindi iboto ng mga Filipino ang mga evil maging mga lesser evil at bumoto sa pamamagitan ng konsensya para maihalal ang mga kandidatong tunay na may puso para sa nakararaming Filipino.
Hinimok ng Arsobispo ang mga botante na ilagay una ang Diyos sa lahat ng bagay upang mapatunayan na tunay na pinagpala at minamahal ng Diyos ang Pilipinas.
“Ipagdasal sa Panginoon ang ating political life na will undergo transformation. Our country is special loved by God and expected by God and by heaven to show the rest of the world that something can be done when we believe in the goodness of God”.pahayag ni Archbishop Arguelles
Samantala, nakasalalay sa kamay at sa pagboto ng may 54.4 na milyung registerd voters ang kinabukasan ng PIlipinas sa susunod na magiging lider ng bansa sa loob ng anim na taon.