170 total views
Ipinaalala ng CBCP Permanent Committee on Public Affairs Chairman sa mga mananampalataya na gawing mabunga at tunay na makabuluhan ang paggunita ng mahal na araw.
Umaasa si Lipa Archbishop Ramon Arguelles, Chairman ng komisyon hindi maubos ang panahon ng bakasyon ng mga mananampalataya sa mga beach resorts, mga malls at mga pasyalan sa buong panahon ng holy week.
Hinimok ng Arsobispo ang mamamayan na gugulin ang panahon ng bakasyon para sa pagninilay, pananalangin at pagkawanggawa kasama ang buong pamilya para mapatatag ang relasyon sa Diyos.
“Itong holy week ay intense moments of relationship with God, sana ay ganun sila it’s ok na halimbawa mag-uwian tayo sa ating tahanan,bonding with the families at sa ating mga friends na naiwan sa bahay that’s very good pero kung kayo ay mag-swimming, magba-bathing, makikihalo para lang nagpupunta lang kayo sa mall to enjoy the secular pleasure ay that is against the spirit from which we have.” pahayag ni Archbishop Arguelles sa Radio Veritas
Paalala ng Arsobispo,hindi dapat mapalitan ng mga materyal na kasiyahan ang dapat sana ay panahon ng kabanalan at pagbabalik loob sa Diyos .
“Dapat dito we have to establish our strong relationship, strengthen relationship with God, our relationship with other people specially those entrusted to us by god. Sa ating sarili magkumpisal tayo na magkaroon tayo ng peace of mind at moment of rest. Gawin natin ang mabubuti tulad ng prayer reflection with the bible at examinations of ourselves, something religious not materialistic at consumeristic at hindi yung nakakalimot tayo sa Diyos.” paanyaya ni Archbishop Arguelles
Hinimok naman ng Arsobispo ang mga mananampalataya na bisitahin ang mga pilgrimage churches sa Pilipinas ngayong Semana Santa.