194 total views
Nagpahayag ng panalangin at pasasalamat si Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commisson on Catholic Education chairman San Jose Bishop Roberto Mallari sa mga guro sa pagdiriwang ng World Teachers Day.
Ayon sa Obispo, mahalaga ang tungkulin ng mga guro para hubugin ang kaalaman ng mga kabataan at mabigyan sila ng gabay para sa kanilang buhay sa hinaharap.
Binigyan diin ni Bishop Mallari na kakaiba ang pagiging guro sa anumang propesyon dahil ito ay nakatutok sa pakikisalamuha sa tao.
“Isa sa napakahalagang bagay na nakikita natin sa mga Teachers ay naka focus sila sa tao sa paglago ng mga tao, they bring out really the best in people. All teachers will agree with me yung the joy of teachers is to see the students really advancing and succeeding in all profession,” papuri ni Bishop Mallari.
Pinaalalahanan din ng Obispo ang mga guro na ipakita sa kabataan ang tunay na hamon ng buhay at para maihanda ang mga ito sa hinaharap.
“Kaya huwag matakot turuan ang mga bata na harapin ang tunay na hamon ng buhay. Technology help us na maaring maging madali but let us not do away the reality of life na hindi talaga madali ang buhay and so prepare them for that,” paalala pa ni Bishop Mallari.
Sa isang mensahe ni Pope Francis, binigyang halaga nito ang kahalagahan ng mga guro sa kanilang at kapakipakinabang na gawain-hindi lamang sa pagtuturo kundi bilang buhay na saksi sa pamamagitan ng pagbibigay ng mabuting halimbawa sa mga kabataan.