Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 46,623 total views

Ang mga bata ay itinuturing na pinakamahalagang yaman ng isang bansa. Sila ang kinabukasan at pag-asa ng lipunan. Sa Pilipinas, ang karapatan ng mga bata ay pinahahalagahan at pinoprotektahan ng batas. Pero sa kabila nito, marami pa ring bata ang nakararanas ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso, karahasan, at diskriminasyon.

Maraming hamon sa buhay ang mga kabataan ng ating bayan. Halimbawa, pagdating sa mga disasters bunsod ng mga natural na kalamidad, ang mga batang Pilipino ang pinaka-naapektuhan. Ayon nga sa UNICEF, ang ating bansa ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng child displacements sa nakaraang anim na taon. At dahil nasa panahon tayo ng climate change maaring pang dumami ang bilang na ito.

Ang isyu rin ng mental health ay isa sa mga pinakamalaking hamon ng kabataan sa ating bayan. Dumarami na ngayon ang mga insidente ng self-harm. Nakita nga rin sa 2021 Young Adult Fertility and Sexuality Study (YAFS5) na mas maraming mga kabataan ngayon ang nakakaramdam ng depressive symptoms. Marami sa kanila, hirap ishare o ibahagi ang nararamdaman sa pamilya o kaibigan.

Ang physical health din ng ating mga kabataan ay malaki pa ring isyu, kapanalig. Pervasive pa rin ang malnutrition sa ating bayan. Dahil nga sa malnutrition, 95 na batang Pilipino ang namamatay kada araw. Dahil din sa malnutrition, stunted o nababansot ang maraming kabataan sa ating bayan.

Kung mahina ang katawan, kapanalig, syempre mapurol rin ang pag-iisip ng mga kabataan. Mahirap mag-aral kung kumakalam ang sikmura. Nakakaapekto rin ang kakulangan sa nutrisyon sa motor skills at cognitive skills ng bata. Kaya’t di rin nakapagtataka kung bakit lagi tayong kulelat sa mga international education assessments.

Ang laki at ang dami ng hamon sa buhay ng kabataan sa ating bayan, kapanalig. At hindi pa ito ang lahat. Ang dami ng kasong pang-aabuso sa kabataan, mapa-online o offline, ay hindi pa rin epektibong natutugunan ng ating lipunan.

Kapanalig, ano ba ang hinihintay natin bago natin mabigyan ng proteksyon at kalinga ang mga bata? Kailan natin tututukan ang kanilang sitwasyon upang magkaroon naman ng ginhawa ang kanilang buhay? Ang mga bata ay umaasa lamang sa atin para sa kanilang survival at protection. Anong ginagawa natin upang maganda ang kanilang kinabukasan?

Ang mga hamon sa kabataan, ang kanilang kagipitan at kalupitang kinakaharap ay sumisira sa kanilang dignidad. Sabi nga sa Gaudium et Spes – ang mga kalupitang ito ay insulto sa kanilang dignidad at lason sa ating lipunan. Ang patuloy nating pagpapabaya sa kanilang sitwasyon ay sisira hindi lamang ng buhay ng mga kabataan, kundi ng ating lipunan, at ng kinabukasan nating lahat.

Sumainyo ang Katotohanan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 63,588 total views

 63,588 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 71,363 total views

 71,363 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 79,543 total views

 79,543 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 95,292 total views

 95,292 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 99,235 total views

 99,235 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 63,589 total views

 63,589 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ghost students

 71,364 total views

 71,364 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 79,544 total views

 79,544 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Big One

 95,293 total views

 95,293 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

ODD-EVEN scheme

 99,236 total views

 99,236 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kagutuman

 58,875 total views

 58,875 total views Hindi pa tapos ang unang quarter ng taong 2025., Tumaas pa lalo ang bilang ng mga Pilipinong nagugutom o kapos ang pagkain sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkakait ng kaarawan sa murang edad

 73,046 total views

 73,046 total views Mga Kapanalig, para sa grupong Child Rights Network (o CRN), masuwerte si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil napakapagdiwang pa siya ng kanyang 80th

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang lupa ay para sa lahat

 76,835 total views

 76,835 total views Mga Kapanalig, nangako ang mga tumatakbong senador sa ilalim ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas—ang ticket ni Pangulong BBM—na ipápasá nila ang National

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hapis ng mga biktima

 83,724 total views

 83,724 total views Mga Kapanalig, ang Diyos ay hindi manhid sa tinig ng mga inaabuso’t inaapi. Dahil naririnig ng Diyos ang kanilang mga panaghoy, hinahamon Niya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Popular Beyond Reproach

 88,140 total views

 88,140 total views Kapanalig, nakakulong sa kasalukuyan ang kontrobersiyal na ika-16 na pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Roa Duterte o kilala sa tawag na “tatay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Impeachment Trial

 98,139 total views

 98,139 total views Tuloy ang impeachment trial laban kay Vice-President Sara Duterte.. Ito ay sa kabila ng pagkakakulong at kinakaharap na kasong crime against humanity ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Labanan ang structures of sin

 105,076 total views

 105,076 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag palawakin ang agwat

 114,316 total views

 114,316 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sementeryo ng mga buháy

 147,764 total views

 147,764 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang education crisis?

 98,635 total views

 98,635 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top