Mga Ilog ng Metro Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,321 total views

Kapanalig, ang kasalukuyang henerasyon ay hindi na nagisnan ang angking ganda ng mga ilog ng ating bayan, lalo na ang mga ilog sa Metro Manila.

Ang mga kabataan ngayon, napag-aaralan na lamang sa kanilang mga textbooks ang ukol sa kasaysayan ng ating mga ilog, gaya ng Ilog Pasig. Ito ay naging sentro ng kalakalan at komersyo noon. Ang ilog na ito ay backbone ng sinaunang Metro Manila, at dito, sa makasaysayang katawang tubig na ito, nagbinhi ang ating mega-city, na bunga ng halo halong kultura ng mga sinaunang mamamayan na namuhay at nabuhay sa biyayang dala ng ilog.

Ang Marikina River naman, kapanalig, ay tahimik na testigo din sa makulay na kasaysayan ng Metro Manila, partikular na sa Marikina, na dati’y kasama sa lalawigan ng Rizal. Ang Marikina ay dati’y napakalaking sakahan na kinakalinga ng ilog. Gaya ng Marikina, ang San Juan River ay napapalibutan rin ng taniman, at sa paglipas ng panahon, binago ng urbanisasyon ang ilog at paligid nito.

Nakakalungkot isipin, kapanalig, na ang mga ilog na ito ay ngayo’y tinuturing na biologically dead. Noong 2004, ang mga ilog ng Pasig, San Juan, at Marikina, kasama ang Navotas-Malabon-Tenejeros-Tullahan (NMTT) River at Parañaque River ay tinaguriang biologically dead ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Bakit nga ba nangamatay ang mga ilog na ito?

Polusyon, kapanalig, ang pangunahing rason. Sa dami ng polusyon sa ating katawang tubig, nawawalan na ng oxygen dito at pinatay na ang mga hayop at halamang namumuhay sa ilog. Ngayon, dahil sa dumi, hindi na kayang sumuporta ng buhay ang ating mga ilog.

Ang basura rin ng mga mamamayan na naninirahan malapit sa mga ilog na ito ay bumabara sa alloy ng ilog. Ilang beses na ba nakakuha ng kutson, sirang electric fan, at mga sapatos tuwing may mga river clean up drives? Ang mga kompanya din na malapit sa ilog ay nagdadala ng polusyon sa ating mga katubigan.

May pag-asa pa naman kapanalig. Maari pang ma-revive o mabuhay ulit ang mga ito kung sama sama nating pagtutulungan ang paglilinis nito. Kailangan natin ma-maximize ang kakayahan ng nasyonal at lokal na gobyerno at ang kanilang political will upang mabigyang buhay muli ang ating mga ilog. Ang kanilang kalusugan ay magiging senyales din ng panibangong buhay at pag-asa sa unti unting nasisirang kapaligiran ng Metro Manila.

Maging gabay natin ang mga pahayag ni Pope Francis sa Laudato Si, na bahagi ng Panlipunang Turo ng Simbahan: There is a growing sensitivity to the environment and the need to protect nature, along with a growing concern, both genuine and distressing, for what is happening to our planet… Our goal is not to amass information or to satisfy curiosity, but rather to become painfully aware, to dare to turn what is happening to the world into our own personal suffering and thus to discover what each of us can do about it.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 19,859 total views

 19,859 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 19,859 total views

 19,859 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 19,859 total views

 19,859 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 19,163 total views

 19,163 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 17,307 total views

 17,307 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Isa pang state of emergency

 19,860 total views

 19,860 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 19,860 total views

 19,860 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 19,860 total views

 19,860 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 19,164 total views

 19,164 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »
Scroll to Top