Mga layko, inaanyayahan sa national laity week

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,525 total reads

Inanyayahan ng implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on the Laity ang mga Layko na makiisa sa nakatakdang National Laity Week sa susunod na buwan.

Sa paanyaya ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas, magsisimula ang National Laity Week Celebration 2025 sa ika-27 ng Setyembre, 2025 sa Diyosesis ng Laoag at magtatapos naman sa ika-4 ng Oktubre, 2025.

Tema ng National Laity Week 2025 ang “Empowered Laity Journeying Together as Pilgrims of Hope” na layuning isulong ang pagkakaisa ng mga layko sa pananalangin bilang daluyan ng pag-asa na alinsunod rin sa tema ng nakatakdang paggunita ng 24th Biennial National Convention at ika-75 anibersaryo ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas.

“Once again, we will celebrate the National Laity Week from September 27 to October 4, 2025, to underscore our vocation and mission as leaven of social transformation in the world.” This year’s theme is: “Empowered Laity Journeying Together as Pilgrims of Hope”. This is our uniform theme for the Laity Week, 75th Anniversary Celebration, and the 24th Biennial National Convention.” mensahe ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas.

Umaasa naman ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas na makapagsagawa rin ng kani-kanilang gawain at programa ang mga Council of the Laity ng iba’t ibang mga diyosesis at arkidiyosesis sa bansa bilang paggunita ng National Laity Week.

Tiniyak ng SLP ang pakikipag-ugnayan sa mga Obispo at mga lingkod ng Simbahan ng iba’t ibang diyosesis bago ang nakatakdang paggunita ng Pambansang Linggo ng mga Layko.

Magkakaloob rin ang SLP ng kopya ng final document of the Synod on Synodality and the Pathways for the Implementation Phase of the Synod upang magsilbing gabay ng mga Council of the Laity sa pagbubuo ng mga gawain o programa para sa mga layko sa kani-kanilang mga lugar.

To drum up the celebration, we encourage everyone, in coordination with your Bishops, Priests & Leaders to organize Laity Week – related activities in your respective Arch/Dioceses, Parishes, and Communities. We are attaching the final document of the Synod on Synodality and the Pathways for the Implementation Phase of the Synod for your consideration/reference in formulating the events for your celebrations.” Dagdag pa ng SLP.

Unang inihayag ng implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity na layunin ng taunang pagsasagawa ng National Laity Week na ipakita at ipadama sa mga layko ang kanilang kahalagahan sa pakikiisa sa misyon ni Hesus.

Ang mga layko ay ang mga binyagan na hindi naordinahan o kabilang sa mga religious congregation na tinatayang bumubuo sa 99.99% ng mga Katoliko sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 29,980 total reads

 29,980 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 66,847 total reads

 66,847 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 85,058 total reads

 85,058 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 169,386 total reads

 169,386 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 205,383 total reads

 205,383 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 38,018 total reads

 38,018 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top