Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mga maliliit na mangingisda naman

SHARE THE TRUTH

 609 total views

Mga Kapanalig, nitong Nobyembre, inaprubahan ng National Economic and Development Authority (o NEDA) ang proyektong Philippine Fisheries and Coastal Resiliency (o FishCoRe). Layunin ng proyektong mahango sa kahirapan ang 350,000 na mangingisdang nakatira sa 24 na probinsya, at makaambag sa pagtitiyak ng seguridad ng pagkain o food security sa ating bansa. Ipatutupad ito sa loob ng pitong taon at magkakahalaga ng 11.2 bilyong piso.

Inaasahang makapagbibigay ang proyektong FishCoRe ng mga kinakailangang reporma sa sektor ng pangisdaan at aquaculture upang maparami at mapalakas ang produksyon ng isda at iba pang lamang-dagat. Sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr na makatutulong daw ang FishCoRe na payabungin ang ating aquaculture, tiyakin ang suplay ng pagkain, at bigyan ng kita ang ating mga mangingisda. Makalilikha ng tinatayang 27,000 na trabaho ang proyekto. Magtatayo rin ito ng imprastruktura at mga pasilidad para naman sa mga negosyanteng mangingisda.

Tila maraming maaasahan ang proyektong FishCoRe para sa mga mangingisda. Ito ay kalugod-lugod para sa ating Simbahang itinataguyod ang dignidad at kapakanan ng mga dukha sa ating lipunan kung saan nangunguna ang mga mangingisda at magsasaka. Ayon nga sa Philippine Statistics Authority, ang sektor ng mga mangingisda ay nagtala ng poverty incidence na 26.2% noong taong 2018, pumapangalawa sa 31.6% ng maliliit na magsasaka. Kasama nga sila sa itinuturing na “poorest of the poor”.

Ngunit paano kaya titiyakin na ang tunay na makikinabang sa proyektong FishCoRe ay ang ating maliliit na mangingisda kung ang bibigyang-pansin ng ating pamahalaan ay ang industriya ng aquaculture? Ang aquaculture ay tumutukoy sa pag-aalaga at palinang ng mga isda at iba pang uri nito sa mga kontroladong kapaligiran ng katubigan para sa gawing negosyo. Walang malaking puhunan ang mga maliliit na mangingisda upang makapagsimula at makapagpatakbo ng mga ganitong proyekto. Pagkakalooban kaya sila ng FishCoRe ng puhunan? Isa pa, itinuturing ang aquaculture na isa sa mga dahilan ng tinatawag na overexploitation o pagkaunti ng mga isda at lamang-dagat, bagay na lubhang nakaaapekto sa kabuhayan ng maliliit na mangingisda.

Maliban sa pagpapalakas sa sektor ng aquaculture, huwag sanang kalimutan ng gobyerno ang mga kababayan nating umaasa sa tinatawag na small-scale fishing—mga mangingisdang humuhuli ng mga isda at lamang-dagat para sa kanilang kabuhayan at pagkain. Magandang balikan ang inilabas noong 2015 ng Food and Agriculture Organization of the United Nations na Voluntary Guidelines for Securing Sustainable Small-Scale Fisheries. Binigyang-diin sa dokumentong ito ang kahalagahan ng pakikilahok ng mga mangingisda sa pangangasiwa ng karagatan, pagbibigay sa kanila ng angkop na mga pasilidad at serbisyo, at pagtiyak na hindi sila malalamangan ng mga malalaking negosyante. Maglalaan din ba ang gobyerno ng sapat na pondo para sa mga bagay na ito?

Sa Kanyang pamamalagi sa mundo at sa Kanyang mga turo, malaki ang pagpapahalaga ni Hesus sa mga mangagawa, kabilang ang mga mangingisda. Hindi ba’t sila nga ang pinili Niya upang maging Kanyang mga unang disipulo, “mga mangingisda ng mga tao,” gaya ng nasasaad sa Mateo 4:19? Batid Niya ang kakayahan ng mga mangingisdang mahanap ang yaman sa gitna ng karagatan. Ganito rin sana ang ating pagpapahalaga sa mga kababayan nating mangingisda, at maipakikita ito ng ating pamahalaan sa pamamagitan ng paghahatid sa kanila ng kanilang mga pangangailangan, kabilang ang proteksyon laban sa mga malalaking negosyante at mga dayuhang nagsasamantala sa ating yamang-dagat.

Mga Kapanalig, mahigit isang milyong Pilipino ang nakasalalay ang kabuhayan sa pangingisda—kaunti kung tutuusin ngunit hindi maitatangging kasama sila sa mga nagpapakain sa mahigit 110 milyong Pilipino. Matagal na silang naghihintay ng makahulugan at pangmatagalang tulong mula sa gobyerno. Sa mga mabubuong programa ng pamahalaan, mga maliliit na mangingisda naman sana ang tunay na makinabang.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 13,030 total views

 13,030 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 20,511 total views

 20,511 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 33,651 total views

 33,651 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 39,624 total views

 39,624 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 45,378 total views

 45,378 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 13,031 total views

 13,031 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 20,512 total views

 20,512 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 33,652 total views

 33,652 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 39,625 total views

 39,625 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 45,379 total views

 45,379 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 41,054 total views

 41,054 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 42,138 total views

 42,138 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 37,519 total views

 37,519 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 49,523 total views

 49,523 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 57,565 total views

 57,565 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 49,122 total views

 49,122 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 47,547 total views

 47,547 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 49,333 total views

 49,333 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 46,258 total views

 46,258 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 60,572 total views

 60,572 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top