258 total views
Personal na binisita ni Caritas Manila Executive Director at Radio Veritas President Rev. Fr. Anton C.T. Pascual ang mga pamilya na nasunugan sa Parola Compound, Tondo, Maynila.
Kasama ang Parish Priest ng Our Lady of Peace and Good Voyage Parish na si Fr. Jorge Peligro at mga volunteers ng Caritas Manila sa lugar, inikot ni Fr. Pascual ang lugar kung saan 1,200 na bahay ang natupok sa sunog.
Sinabi ni Fr. Pascual na tutulungan ng Caritas Manila ang rehabilitasyon ng mga kabahayan ng may 50 hanggang 100 pamilya na nagkakalahaga ng 250 hanggang 500 libong piso.
Labis naman ang pasasalamat ni Fr. Peligro sa pagtugon ng Caritas Manila at intensyon nito na matulungan ang mga nasunugang residente.
Inihayag ng pari na patunay lamang ito ng pagtutulungan ng Simbahan sa oras ng kalamidad at pagpapakita ng pag-ibig ng Diyos sa kabila ng mga pagsubok.
“This is the time that we show solidarity, sympathy and sense of mission para sa lahat kaya humihingi tayo ng pagtulong at higit sa lahat yun mga prayers natin. God is with us all the time at na-feel natin talaga ang presensya ng Panginoon.”pahayag ni Father Peligro sa Radio Veritas.
Magugunitang una ng nagsagawa ng relief operation ang nasabing social arm ng Archdiocese of Manila at ang Simbahan ng Quiapo sa Parola Compound.
Read: http://www.veritas846.ph/pagtutulungan-ng-mga-biktima-ng-sunogpinuri-ng-simbahan/
http://www.veritas846.ph/sunog-sa-parola-compound-ikinalungkot-ng-archdiocese-ng-manila-mga-volunteers-labis-na-pinasasalamatan/
Tinatayang aabot sa 3,000 pamilya ang naapektuhan ng sunog.