587 total views
Suportado ng iba’t-ibang environmental groups at mga Pari ng Simbahang Katolika ang naging desisyon ni Department of Environment and Natural Resources Secretary Gina Lopez na kanselahin ang 75 mining contracts sa bansa.
Sa isang Facebook post ni NASSA/Caritas Philippines executive secretary Rev. Fr. Edu Gariguez, inihayag nito ang kagalakan mula sa naging hakbang ng kalihim.
Itinuturing ni Father Gariguez ang hakbang ng kalihim ng DENR na pinakamagandang Valentines celebration para sa kalikasan.
“This is the best valentine celebration ever! Pagmamahal para sa kalikasan! Intex/aglubang MPSAS in Mindoro are all cancelled.” Facebook post sa personal account ni Fr. Gariguez.
Si Fr. Gariguez ay kilalang tagapagtanggol ng karapatang pangkalikasan at karapatan ng mga katutubo kung saan minsan na siyang ginawaran ng parangal bilang Goldman Prize awardee noong 2012.
Maging ang Social Action Director ng Diocese of Legazpi ay pinuri ang kautusan ni Lopez.
“How to say ‘Happy Valentines Earth! DENR orders cancellation of 75 MPSAs in watersheds,” pahayag ng SAC Legazpi.
Pinuri rin ng mga lider ng Simbahan ang pagtatanggol ni Lopez sa kalikasan.
Read: http://www.veritas846.ph/pagpapasara-sa-23-minahan-sinang-ayunan-ng-simbahan/
Unang ipinag-utos ni Lopez ang pagpapasara sa 28 mula sa 41 minahan sa Pilipinas dahil sa paglabag sa environmental laws na nagdudulot ng pagkasira sa mga watershed areas at maging mga sakahan.
Nagbanta naman ang Chamber of Mines of the Philippines na magsagawa ito ng legal na tugon laban sa naging desisyon ni Secretry Lopez.
Sa katuruan naman ng Simbahang katolika, partikular na sa aklat ng henesis, binibigyang diin ang kalahagahan na mapangalagaan ng tao ang kapaligiran.