Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mga Pinoy sa Myanmar, pinag-iingat ng opisyal ng CBCP

SHARE THE TRUTH

 349 total views

Pinag-iingat ng opisyal ng migrant’s ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga Filipino sa Myanmar kaugnay sa nagaganap na kudeta.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, vice chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, mahalagang manatiling kalmado ang mga OFW sa lugar at iwasan ang pagpunta sa mga pampublikong lugar upang makaiwas sa karahasan.

“To our OFWs please remain calm and always be careful, always taking into consideration your personal safety; Just focus on works and avoid any place, any grouping which will endanger your stay and your works,” mensahe ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Binigyang diin ng obispo na sa mga panahon ng karahasan at kaguluhan bukod tanging panalangin at pagsusumamo sa Panginoon ang nararapat na gawin upang higit na manaig ang pagkakaisa at kapayapaan.

Unang araw ng Pebrero ng magkudeta ang militar ng Myanmar laban sa mga nahalal na opisyal mula sa National League for Democracy at inaresto ang civilian leader nacsi Aung San Suu Kyi.

Ang ugat ng pag-aklas ng militar ay bunsod ng akusasyong iregularidad sa nangyaring halalan noong Nobyembre sa magkatunggaling National League for Democracy at military supported Union Solidarity and Development Party.

Umaasa si Bishop Santos na higit manaig ang katarungan at isaalang-alang kabutihan ng nakararami.

“Let us turn to God that with His guidance and grace there will be no violence and common good would always prevail,” dagdag ni Bishop Santos.

Batay sa huling datos ng Department of Foreign Affairs tinatayang humigit kumulang sa 1, 300 ang mga Filipino sa Myanmar sa kasalukuyan.



Pinaalalahanan naman ng embahada ng Pilipinas ang mga Filipino sa lugar na manatiling mag-ingat at alerto sa lahat ng panahon at maaring makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan sa kung kinakailangan sa mga telepono 01 558149-153 at 09250765938.

Panawagan ni Bishop Santos sa mamamayan na magkaisang ipanalangin na mahinto na ang kaguluhan sa Myanmar.
“Together also we pray and offer for Myanmar for peace and harmony,” giit ni Bishop Santos.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 73,814 total views

 73,814 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 105,809 total views

 105,809 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 150,601 total views

 150,601 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 173,548 total views

 173,548 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 188,946 total views

 188,946 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 977 total views

 977 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 12,032 total views

 12,032 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top