Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Midnight healing mass sa Radio Veritas, ilulunsad

SHARE THE TRUTH

 337 total views

Upang tugunan ang “spiritual needs” ng mga mananampalataya sa Pilipinas, Overseas Filipino Workers at Filipino immigrants ay ilulunsad ng Radio Veritas 846 ang midnight healing mass at eucharistic adoration.

Layunin nitong higit mapalago ang pananampalataya ng mamamayan at mailapit sa tao ang biyaya ng Panginoon. Ayon kay Radio Veritas President Fr. Anton CT Pascual, mahalagang makita ng mamamayan ang lawak ng grasya ng Diyos sa kabila ng panganib na dulot ng pandemya.

“Napakahalaga ngayong panahon ng pandemya na makita ang grasya ng Panginoon at hindi ang panganib sa krisis; ang Banal na Eukaristiya ang pinakamataas na uri ng panalangin upang mapalapit ang grasya ng Diyos,” pahayag ni Fr. Pascual sa Radio Veritas.

Ito rin ang tugon ng himpilan sa tumataas na kaso ng iba’t ibang uri ng depresyon sa lipunan dulot ng matinding hamong kinakaharap ng mamamayan.

Naniniwala naman si Fr. Roy Bellen, ang Vice President ng Radio Veritas na sa kalaliman ng gabi higit nararamdaman ng tao ang labis na kalungkutan kaya’t mahalagang mapaigting ang pagpapahayag ng Salita ng Diyos.

“Alam nating lahat na ang depresyon at kalungkutan umaatake lalo sa gabi kung saan tahimik ang mga tao; people are so vulnerable during this hours kaya gusto ng himpilan na mapatingkad lalo ang sakramento at ang presensyan ng Diyos sa banal na misa para hindi lang words of wisdom mula sa mga pari kundi mismong ang presensya ng Panginoon na magbibigay ng lakas ng loob,” ani Fr. Bellen.

Magsisimula ang midnight mass sa Hunyo 29, 2021 ganap na alas dose ng hatinggabi sa programang Healing Touch sa Veritas kasabay ng kapistahan nina Apostol San Pablo at San Pedro.

Umaasa ang pamunuan ng Radio ng Simbahan na higit mapalalim ang ugnayan ng mananampalataya sa Panginoon sa pamamagitan ng komunikasyon sa radyo, telebisyon at social media kung saan mapanuod at mapakinggan ang banal na misa. Layunin din nitong maabot ang mga Overseas Filipino Workers sa iba’t ibang bahagi ng daigdig na iba ang time zone sa Pilipinas upang mabigyang pagkakataon na makadalo at makapakinig ng live mass.

“Ramdam na ramdam ng mga OFW ang labis na kalungkutan sa ibang bansa lalo ngayong pandemya kaya maganda makarinig at makabahagi rin sila ng live mass sa tagalog para mapalakas ang kanilang loob,” dagdag pa ni Fr. Bellen.

Bago ang Banal na Misa magkakaroon ng pagtatanod sa Banal na Sakramento habang sa katahimikan ay idalangin ang mga intensyon at kahilingan ng bawat mamamayan.

Pangungunahan ng mga Healing Touch anchor priests ang misa mula Linggo hanggang Biyernes.

Inaanyayahan ang bawat isa na makiisa sa banal na pagdiriwang at maaring makipag-ugnayan sa himpilan para sa mga prayer request at intentions sa pamamagitan ng telepono bilang 8925-7931 hanggang 39 local 129 o mag-text sa 09176314589 at hanapin si Ms. Renee Jose ang nangangasiwa sa Religious Department ng Radio Veritas.

Ito rin ay bahagi ng pagpapalawak ng Radio Veritas sa misyon ng simbahan lalo ngayong ipinagdiriwang ang ikalimang sentenaryo ng kristiyanismo sa Pilipinas. Mapakikinggan ito sa Radio Veritas 846, Cignal Cable TV channel 313, E-Radio portal at mapapanuod sa livestreaming sa Youtube at Facebook sa Radyo Veritas Ph.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 3,220 total views

 3,220 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 9,193 total views

 9,193 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 14,948 total views

 14,948 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 22,211 total views

 22,211 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 30,196 total views

 30,196 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Economics
Norman Dequia

Drones na gagamitin sa search at rescue operations, inilunsad

 3,392 total views

 3,392 total views Hinimok ni Pope Francis ang mamamayan na gamitin ang makabagong teknolohiya sa kapakinabangan at kabutihan ng kapwa. Kaugnay nito tiniyak ng DJI Enterprise Philippines ang patuloy na pagpaunlad sa mga kagamitang makatutulong sa lipunan kasabay ng pag-usbong ng makabagong teknolohiya. Ayon kay DJI Director Garrick Hung, makatutulong ang drones sa pagpapatupad ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mag-asawa, hinimok na maging huwaran sa mga anak

 3,667 total views

 3,667 total views Hinimok ng Archdiocese of Cebu Commission on Family and Life ang mga mag-asawa na magsilbing huwaran sa lipunan lalo na sa kabataan upang maisakatuparan ang habambuhay na pagsasama. Sa ginanap na ikawalong Archdiocesan Couples’ Day kasabay ng kapistahan nina Saints Louis at Zelie Martin ang magulang ni St. Therese of the Child Jesus,

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Kapayapaan, patuloy na ipinagdarasal ni Pope Francis

 3,741 total views

 3,741 total views Patuloy na ipinapanalangin ng Kanyang Kabanalan Francisco ang kaayusan at kapayapaan ng buong daigdig. Sa Angelus na pinangunahan ni Pope Francis hiniling nito ang pamamatnubay ng Mahal na Birheng Maria para sa kahinahunan ng puso ng mga biktima ng karahasan sa iba’t ibang panig ng mundo. Ito rin ay kaugnay sa pagdiriwang ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa ika-5 AACOM

 6,822 total views

 6,822 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Cebu ang mananampalataya na makiisa sa ikalimang Asian Apostolic Congress on Mercy (AACOM). Ayon kay Cebu Archbishop Jose Palma, magandang pagkakataon ang pagtitipon upang magbuklod ang mananampalataya sa pag-asang dulot ng habag at awa ng Panginoon na ipinapadama sa sangkatauhan. “To hope is to believe in something good. But

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Day of prayer for WPS, isasagawa ng Archdiocese of Lingayen Dagupan

 6,830 total views

 6,830 total views Maglulunsad ng Day of Prayer for the West Philippine Sea ang Social Action Ministry ng Archdiocese of Lingayen Dagupan sa Pangasinan. Ito ang hakbang ng arkidiyosesis para isulong ang mapayapang pagresolba sa usapin ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea. Ipinabatid ng St. John the Evangelist Parish sa Infanta Pangasinan na mahalagang palakasin

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inanyayahan sa National Fatima convention

 7,363 total views

 7,363 total views Inaanyayahan ng World Apostolate of Fatima of the Philippines ang mananampalataya na lumahok sa isasagawang National Fatima Convention on the Centenary of the Five First Saturdays Devotion. Isasagawa ito sa December 10, 2024 sa Mary Mother of Hope Chapel ng Landmark Trinoma sa Quezon City. “Marian devotees, members of church organizations (Fatima and

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Isabuhay ang halimbawa ng Birhen ng Antipolo, habilin ng Obispo sa mga deboto

 7,383 total views

 7,383 total views Nagpasalamat si Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mga debotong nakiisa sa pilgrimage season ng diyosesis sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral. Sa pagatatapos ng Ahunan sa Antipolo nitong July 9,binigyang diin ng obispo ang paalalang bukas-palad na tinanggap ng Mahal na Birhen ang bawat debotong

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Aplikasyon na maging international shrine ang national shrine of St. Padre Pio, suportado ng CBCP

 8,405 total views

 8,405 total views Suportado ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang hakbang ng Archdiocese of Lipa na maging international shrine ang National Shrine of San Padre Pio sa Santo Tomas Batangas. Sa ginanap na press conference ibinahagi ni CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na sinang-ayunan ng buong kalipunan ang aplikasyon ng pambansang dambana

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Archdiocese of Cagayan de Oro, nagpapasalamat sa matagumpay na 128th-CBCP plenary assembly

 8,545 total views

 8,545 total views Nagpasalamat ang Archdiocese of Cagayan De Oro sa Panginoon sa paggabay sa matagumpay na makasaysayang pagtitipon ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa Mindanao. Ayon kay Archbishop Jose Cabantan, biyaya ng Diyos ang pagkakataong ibinigay ng CBCP sa arkidiyosesis na pangasiwaan ang pagtitipon ng mga pastol ng simbahang katolika sa bansa. “We

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pastoral exhortation sa 5-dekada ng Alay Kapwa Program, hiniling ng Caritas Philippines sa CBCP

 8,552 total views

 8,552 total views Isinusulong ng Caritas Philippines sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagpapalabas ng pastoral exhortation sa ikalimang dekada ng Alay Kapwa program ng simbahan. Sa panayam ng Radio Veritas sinabi ni Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na mas pinalawak nito ang programang Alay Kapwa upang higit na makapaglilingkod sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

2 national shrines, itinalaga ng CBCP

 8,856 total views

 8,856 total views Inaprubahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagtalaga ng national shrine ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Mercy sa Novaliches Quezon City at Diocesan Shrine of Our Lady of Assumption o Maasin Cathedral sa Leyte. Ginawa ang pag-apruba sa dalawang national shrines sa bansa sa unang araw ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

2 paring Cebuano, itinalaga ni Pope Francis sa Vatican

 11,230 total views

 11,230 total views Itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco ang dalawang Cebuanong pari sa mga tanggapan ng Holy See sa magkakaibang lugar. Inihayag ng Archdiocese of Cebu ang pagtalaga ni Pope Francis kay Msgr. Jan Thomas Limchua bilang Counselor of the Apostolic Nunciature ng Kingdom of The Netherlands habang Attache ng Apostolic Nunciature of Ivory Coast naman

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Panalangin, hiling ng Obispo sa ika-128 CBCP plenary assembly

 11,746 total views

 11,746 total views Humiling ng panalangin ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa matagumpay na pagpupulong ng mga obispo sa Archdiocese of Cagayan de Oro. Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Pontificio Collegio Filippino chairperson, Antipolo Bishop Ruperto Santos, mahalaga ang panalangin ng mananampalataya para sa makabuluhan at mabungang pagtitipon na makatutulong

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagpapanibago ng puso ng mga taong nagsusulong ng digmaan, panalangin ni Pope Francis

 12,461 total views

 12,461 total views Hiniling ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Kamahal-mahalang Puso ni Hesus ang pagpapanibago ng puso ng mga taong patuloy na nagsusulong ng digmaan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ito ang bahagi ng panalangin ng santo papa sa lingguhang general audience sa Vatican sa pagtatapos ng buwan ng Hunyo na tinaguriang Sacred Heart of

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Parangalan si Pope Francis, panawagan ng Papal Nuncio sa mananampalataya

 15,299 total views

 15,299 total views Inaanyayahan ng opisyal ng Vatican ang mga Pilipinong makiisa sa taunang pagdiriwang ng Pope’s Day sa June 29, 2024. Sa panayam ng Radio Veritas kay Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, inihayag nitong ito ang pagkakataong gunitain sa pamamagitan ng panalangin ang malaking tungkulin na ginagampanan ng santo papa sa simbahang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top