Migration, Indikasyon ng hindi pagkakapantay-pantay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 448 total reads

Ang mga refugee ang palatandaan sa pag-iral ng hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan.

Sa pahayag ng Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, sinabi ng kumisyon na hindi malulutas ang suliranin ng mga refugees sa pagsasawalang kibo at pagsawalang bahala sa kanilang kalagayan.

“The plight of the Refugees cannot be solved by indifference. As a country of origin of millions of migrants, we know the hardships that accompany our people who leave home in search of a better life.” pahayag ng CBCP – ECMI.

Bilang isang bansa ng mga migrante, nanawagan ang kumisyon sa mananampalataya na magkaisang tumugon at tumanggap sa mga migrante at refugee.

“As a country of migrants, we are called, together with other nations, to reciprocate the welcome that our migrants have received in foreign lands.” dagdag nito.

Sinasabi sa pahayag na ang mga migrante at refugee ay palatandaan din ng suliraning pampulitika, ekonomiya at panlipunan na naghahati sa buong daigdig.

Batay sa tala ng Philippine Statistics Authority umaabot sa mahigit 2 milyon ang mga Overseas Filipino Workers sa mundo kung saan kabilang ito sa mga migranteng naghahanap ng magandang kinabukasan sa mga dayuhang bansa.

Sa mesahe ni Pope Francis sa World Day of Migrants and Refugees noong 2014 hinimok nito ang bawat isa na talikuran ang pag-uugaling pinaiiral ang takot at pagsasawalang bahala lalo’t higit sa mga nangangailangan.

Iginiit ni Pope Francis na pag-ibayuhin ang kultura ng pakikisalamuha kung saan magdudulot ng pagkakaisa sa lipunan at magpapatibay sa pagkakapatiran ng bawat mamamayan.

Noong nakalipas na ika-17 ng Hunyo, inilunsad ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang Global Week of Action 2018 sa Minor Basilica of San Lorenzo Ruiz sa Binondo Manila.

Read: Global Week of Action 2018, inilunsad ni Cardinal Tagle
Cardinal Tagle Homily – Opening Activity Global Week of Action 2018

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 47,002 total reads

 47,002 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 126,785 total reads

 126,785 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 160,232 total reads

 160,232 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 195,530 total reads

 195,530 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 420,262 total reads

 420,262 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top