Milyong ektarya ng ancestral domain, apektado ng mga deforestation, pagmimina- ayon sa ulat

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 43,287 total views

Iniulat ng Legal Rights and Natural Resources Center sa kanilang 2025 State of Indigenous Peoples Address (SIPA) Report na umaabot sa 2.8 milyong ektarya ng mga proyektong nagdudulot ng deforestation ang posibleng nasasaklaw ang mga lupaing ninuno na may Certificates of Ancestral Domain Titles (CADT).

Natuklasan sa pagsusuri ng LRC na mahigit kalahati o 51 porsiyento ng kabuuang lawak ng CADTs ang apektado ng pagmimina, enerhiya, imprastruktura, at iba pang extractive projects, na nagpapakita ng patuloy na paglabag sa karapatan at pamamahala ng mga katutubo sa kanilang teritoryo.

Ayon kay LRC Campaign Support and Linkages Coordinator Leon Dulce, na sa kabila ng isinusulong na “green transition,” nananatili ang mga polisiya na inuuna ang malalaking pamumuhunan kaysa sa pagkilala sa karapatan ng mga katutubo.

“Under the purported premise of a ‘green transition’, the Philippine government continued to pursue the same investment and development priorities that historically subordinated the legal recognition of Indigenous Peoples’ rights and perpetuated injustices to entire communities and territories,” ayon kay Dulce.

Dagdag pa ni Dulce, nakapagtala rin ang LRC ng iba’t ibang paglabag sa karapatang pantao at pangkalikasan sa 26 lalawigan sa nakalipas na taon.

Pinakamalaki sa mga proyektong nasasaklaw ang CADTs ay ang forest tenurial instruments na bumubuo ng 39 porsiyento, kasunod ang fossil fuels, pagmimina, renewable energy, imprastruktura, at agrikultura.

Samantala, sa Nueva Vizcaya naman, patuloy ang tensyon sa pagitan ng Woggle Corporation at mga katutubong pamayanan sa Dupax del Norte kaugnay ng mga proyektong pagmimina.

Habang iniakyat naman ng mga residente ng Didipio at ng Diyosesis ng Bayombong sa Korte Suprema ang kaso laban sa renewal ng mining contract ng OceanaGold.

“Both cases underscore how Indigenous and community rights and customary practices, along with local governance, are being set aside to fast-track extractive projects.”

Nanawagan ang LRC sa pamahalaan na igalang ang mga lupaing ninuno at unahin ang pagkilala sa karapatan at kaalamang pangkalikasan ng mga katutubo bilang mahalagang sandigan sa pangangalaga ng kagubatan at biodiversity ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 109,375 total views

 109,375 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 131,485 total views

 131,485 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 205,554 total views

 205,554 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 201,113 total views

 201,113 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top