Moral fatique, babala ng CBCP President sa paggunita ng EDSA @40

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 33,965 total reads

Mariing iginiit ni Lipa Archbishop Archbishop Gilbert Garcera na hindi maaaring manatiling neutral ang Simbahan sa panahong nilalapastangan ang dignidad ng tao.

Ito ang mensahe ng arsobispo at kasalukuyang pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa nalalapit na paggunita sa ika-40 anibersaryo ng People Power Revolution sa EDSA Shrine sa February 25.

Sa kanyang pagninilay sa ikaapat na araw ng misa nobenaryo sa National Shrine of Our Lady of Peace o EDSA Shrine, binigyang-diin ng arsobispo na ang pananahimik sa harap ng kawalang-katarungan ay hindi kabanalan kundi pakikipagsabwatan.

“The Church cannot be neutral when human dignity is trampled. Silence in the face of injustice is not holiness; it is complicity. EDSA at 40 is not just a commemoration; it is an examination of conscience,” ayon kay Archbishop Garcera.

Ayon kay Archbishop Garcera na ang paggunita sa EDSA ay hindi lamang isang pag-alala sa mahalagang yugto ng kasaysayan, kundi isang pagsusuri ng budhi ng mga Pilipino.

Binalikan din ng arsobispo ang diwa ng 1986 kung saan nanaig ang paninindigan ng konsensya laban sa takot at karahasan.

Sinabi ni Archbishop Garcera na ang tunay na lakas ng EDSA ay hindi lamang nagmula sa lakas ng tao kundi sa pananalig na pinatatag ng panalangin.

“This was not the absence of fear—it was the triumph of conscience over fear. EDSA was not simply people power; it was people power sustained by prayer,” ayon sa arsobispo.

Gayunman, nagbabala ang arsobispo sa kasalukuyang banta ng pagbaluktot sa kasaysayan at paghina ng moral na paninindigan ng lipunan.

“The greatest danger today is not only historical distortion, but moral fatigue,” giit ni Archbishop Garcera.

Hinimok ng opisyal ang mga mananampalataya na hindi maging kampante sa tinamong kalayaan kundi patuloy na manindigan sa pamamagitan ng aktibong pagtatanggol sa katotohanan at katarungan.

Giit ng arsobispo, patuloy ang panawagan ng Diyos sa bawat henerasyon na piliin ang buhay na may dignidad at dangal.

“Freedom has a cost. Peace has a price. Faith demands responsibility,” aniya.

Muling ipinagkatiwala ni Archbishop Garcera ang Pilipinas sa makainang pagkalinga ng Mahal na Birheng Maria, na kinikilala bilang Ina ng Kapayapaan at gumabay sa sambayanan 1986 EDSA People Power Revolution.

Ang ika-40 anibersaryo ng EDSA, ayon sa arsobispo, ay nananatiling paanyaya sa bawat Pilipino na piliin ang pananampalatayang may tapang, kalayaang may pananagutan, at kapayapaang nakaugat sa katarungan.

Kasama ng arsobispo sa pagdiriwang ng banal na misa ang mga paring naglilingkod sa CBCP at si shrine rector Fr. Jerome Secillano.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 16,726 total reads

 16,726 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 54,591 total reads

 54,591 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 72,801 total reads

 72,801 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 157,130 total reads

 157,130 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 193,720 total reads

 193,720 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 2,185 total reads

 2,185 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top