Milyong ektarya ng ancestral domain, apektado ng mga deforestation, pagmimina- ayon sa ulat

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 43,493 total views

Iniulat ng Legal Rights and Natural Resources Center sa kanilang 2025 State of Indigenous Peoples Address (SIPA) Report na umaabot sa 2.8 milyong ektarya ng mga proyektong nagdudulot ng deforestation ang posibleng nasasaklaw ang mga lupaing ninuno na may Certificates of Ancestral Domain Titles (CADT).

Natuklasan sa pagsusuri ng LRC na mahigit kalahati o 51 porsiyento ng kabuuang lawak ng CADTs ang apektado ng pagmimina, enerhiya, imprastruktura, at iba pang extractive projects, na nagpapakita ng patuloy na paglabag sa karapatan at pamamahala ng mga katutubo sa kanilang teritoryo.

Ayon kay LRC Campaign Support and Linkages Coordinator Leon Dulce, na sa kabila ng isinusulong na “green transition,” nananatili ang mga polisiya na inuuna ang malalaking pamumuhunan kaysa sa pagkilala sa karapatan ng mga katutubo.

“Under the purported premise of a ‘green transition’, the Philippine government continued to pursue the same investment and development priorities that historically subordinated the legal recognition of Indigenous Peoples’ rights and perpetuated injustices to entire communities and territories,” ayon kay Dulce.

Dagdag pa ni Dulce, nakapagtala rin ang LRC ng iba’t ibang paglabag sa karapatang pantao at pangkalikasan sa 26 lalawigan sa nakalipas na taon.

Pinakamalaki sa mga proyektong nasasaklaw ang CADTs ay ang forest tenurial instruments na bumubuo ng 39 porsiyento, kasunod ang fossil fuels, pagmimina, renewable energy, imprastruktura, at agrikultura.

Samantala, sa Nueva Vizcaya naman, patuloy ang tensyon sa pagitan ng Woggle Corporation at mga katutubong pamayanan sa Dupax del Norte kaugnay ng mga proyektong pagmimina.

Habang iniakyat naman ng mga residente ng Didipio at ng Diyosesis ng Bayombong sa Korte Suprema ang kaso laban sa renewal ng mining contract ng OceanaGold.

“Both cases underscore how Indigenous and community rights and customary practices, along with local governance, are being set aside to fast-track extractive projects.”

Nanawagan ang LRC sa pamahalaan na igalang ang mga lupaing ninuno at unahin ang pagkilala sa karapatan at kaalamang pangkalikasan ng mga katutubo bilang mahalagang sandigan sa pangangalaga ng kagubatan at biodiversity ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 150,774 total views

 150,774 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 180,998 total views

 180,998 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 207,644 total views

 207,644 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 302,617 total views

 302,617 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 313,793 total views

 313,793 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top