Misa para sa jubilee for Digital Missionaries and influencers, pinangunahan ni Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,821 total reads

Pinangunahan ni Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle, pro-prefect of the Dicastery for Evangelization ang pagdiriwang ng banal na misa para sa paggunita ng “Jubilee for Digital Missionaries and Catholic Influencers” sa St. Peter’s Basilica sa Roma.

Sa kanyang pagninilay ay binigyang diin ng Cardinal na kaakibat ng pagiging isang digital missionaries at influencers ang pagiging misyonera ng Mabuting Balita ng Panginoon.

Ayon kay Cardinal Tagle, bahagi ng tungkulin ng mga digital missionaries at influencers ang kahandaang tumugon sa misyong palaganapin ang pananampalatayang Kristiyano hanggang sa digital space kasabay ng pagtalakay sa kahalagahan ng Salita ng Diyos sa kasalukuyang modernong panahon.

“The Jubilee invites us to scrutinize the intention that fuels the influence our contemporary world wants to effect, the change we desire is often connected to the means we used to influence people and situations…

You are not only influencers, you are also missionaries.” Bahagi ng pagninilay ni Cardinal Tagle.

Kinundina naman ni Cardinal Tagle ang hindi naaangkop na paggamit ng tinuran nitong ‘nakalalasong’ uri ng impluwensya na sumisira sa puso ng tao at maging ng lipunan.
Partikular na inihalimbawa ng Cardinal ang paninira ng kapwa, panunuhol, paggamit ng dahas o kaya naman ay paglabag sa batas upang maimpluwensyahan ang iba sa larangan ng pulitika at usaping pambansa.

“To influence the results of political elections, some candidates bribe the voters while destroying the reputation of their opponents, to influence persons or organizations to accept financial deals, some threatens them with black mail, to influence people to embrace beliefs and ideologies, some used coercion and brainwashing, to influence their enemies into submission, some powerful persons and nation resort to war – bombing and forced starvation.” Dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Hinamon naman ng Cardinal ang mga digital missionaries at influencers na tanggapin si Hesus sa kanilang buhay upang mas maging mahusay at mas epektibong tagapagbahagi ng Salita ng Diyos sa kasalukuyang panahon.

Mensahe ni Cardinal Tagle, “Dear Missionary influencers, let the love God in Jesus and the Holy Spirit prevent various poisonous influences from flowing into human heart and societies… When you accept Jesus in your life, you will be on fire, a zealous influencer. When you welcome Jesus in your life, you will be an influencer who listen to Jesus’ words and acts on it. When you welcome Jesus, you will be an influencer bringing Jesus’ voice so, people could get out of their tombs.”

Batay sa tala aabot sa mahigit 1,000 mga delegado mula sa 75-mga bansa ang mga nakibahagi sa kauna-unahang paggunita ng Jubilee for Digital Missionaries and Catholic Influencers na isinagawa sa Roma noong ika-28 hanggang ika-29 ng Hulyo, 2025.

(with Veritas Intern Michael Encinas)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 27,401 total reads

 27,401 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 64,432 total reads

 64,432 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 82,643 total reads

 82,643 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 166,971 total reads

 166,971 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 203,090 total reads

 203,090 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 37,814 total reads

 37,814 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top