Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Misa sa mga nasawi sa war on drugs, isinagawa

SHARE THE TRUTH

 367 total views

Mag-aalay ng banal na misa at panalangin para sa mga nasawi sa war on drugs ng Pamahalaan, ang mga grupong Pro-Democracy o ProDem, at Kapatiran at Alyansang Alay sa Kaunlaran ng Bayan mula sa Quezon o KAAKBAY-Quezon.

Sinabi ni Father Warren Puno, Spokesperson ng grupo na layon nitong ipagdasal ang kaluluwa ng mga taong namatay sa giyera kontra droga ng Administrasyon lalo na ang mga inosenteng nadamay lamang at itinuturing na Collateral damages.

Naniniwala ang grupo na ang war on drugs ay isang huwad na labang isinusulong ng pamahalaan dahil tanging mga mahihirap lamang ang namamatay dito habang ang mayayaman na silang tunay na may sala ay malaya at hindi napapanagot sa batas.

Dagdag pa ni Father Puno, bukod sa pananalangin sa kaluluwa at katarungan para sa mga nasawi ay marapat ding ipagdasal ang unti-unting pagpatay ng pamahalaan sa Demokrasya ng bansa.

Aniya, nawawala ang tunay na halaga ng buhay ng mamamayan dahil sa dahan-dahang paniniil ng pamahalaan sa kalayaan at Demokrasya ng bayan.

“Napapanahong ipanalangin natin ang mga kaluluwang humihingi ng katarungan laban sa mapagkunwaring Administrasyong Duterte dahil ang tunay na mukha ng kanilang gawain pala ay hindi lang ang pakunwaring laban sa droga dahil sa ating nakita sa nakalipas na 2 taon ito ay Gyera din laban sa buhay at Demokrasya, dahil walang halaga ang buhay kung walang tunay na Kalayaan at Demokrasya.” pahayag ni Father Puno sa Radyo Veritas.

Kaugnay nitoo, inanyayahan din ng ProDem at KAAKBAY-Quezon ang mga mananampalataya sa iba’t-ibang panig ng bansa na mag-alay pa rin ng panalangin para sa lahat ng mga nasawi.

Ang Banal na misa at panalangin sa mga biktima ng war on drugs ay isinagawa noong ika-31 ng Oktubre ganap na 10:00AM sa National Shrine of Our Lady of Sorrows, Dolores, Quezon, sa pangunguna ni Father Puno.

Batay sa tala ng Philippine Drug Enforcement Agency sa #RealNumbers data ng Pamahalaan, noon lamang buwan ng Agosto ay umabot sa 444 na drug suspects ang nasawi sa anti-illegal drug operation ng mga pulis sa buong bansa na katumbas ng 14 na indibidwal kada araw.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CLIMATE CRISIS

 5,776 total views

 5,776 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 17,259 total views

 17,259 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

UNAWAIN AT MAGTIIS

 32,948 total views

 32,948 total views Kapanalig, anumang contingency plans ang gagawin ng pamahalaan sa “Edsa rehabilitation project” sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo, 2025, inaasahan na natin ang

Read More »

Tunay na boses ng kabataan

 33,742 total views

 33,742 total views Mga Kapanalig, hindi ipinroklama ang Duterte Youth bilang isa sa mga nanalong party-list groups sa nagdaang halalan. Halos dalawang milyon ang bumoto sa

Read More »

Anong solusyon sa edukasyon?

 43,678 total views

 43,678 total views Mga Kapanalig, tinuruan tayo ni Pope Benedict XVI sa kanyang liham na Caritas in Veritate na ang pag-unlad o development ay hindi nasusukat

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Cultural
Veritas NewMedia

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 92,233 total views

 92,233 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top