78,069 total views
Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”?
Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal
na representante nating taumbayan sa Executive, Legislature, Judiciary at Local Government Unit’s ay hindi umiiral ang katagang “moral conscience”.
Nakakainsulto, sa inilabas na data ng National Treasury noong July 2024… naitala sa 15.689-trilyong piso ang utang ng Pilipinas… 10.753-trilyong piso ang domestic debt habang 4.753-trilyong piso ang foreign o utang panlabas ng Pilipinas sa mga dayuhang bangko..ibig sabihin tayong mahigit 100- milyong Pilipino ay mayroong mahigit-kumulang na 15-milyong pisong utang bawat isa.
Taon-taon, kasama sa isinusumiteng National Expenditure Program ng Department of Budget and Management (DBM) sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagbabayad ng “sovereign debt” o domestic at foreign debt ng Pilipinas..ang N-E-P ay panukalang budget na tinatalakay ng Mababang Kapulungan ng Kongreso at Senado na isinasapinal sa Bicameral Conference Committee ng dalawang kapulungan bago isumite sa Pangulo ng Pilipinas para lagdaan at ganap na maging batas o tinatawag na General Appropriations Act. Ang G-A-A ay kabuuang pondo o government expenditures ng lahat ng
sangay ng pamahalaan sa loob ng isang taon.
Gayunman, ang pagbabayad ng utang ay hindi binibigyan halaga ng ating mga mambabatas at Office of the President.. Sa halip, pinaprayoridad sa Kongreso ang “budget insertions”… Sa programang
“Veritasan sa Edsa Shrine”, Ibinahagi ng executive director ng Center for National Budget-isang non- partisan institution na umaabot ng sampung beses o mahigit ang budget insertions na nakakalusot sa GAA.
Ito ay programa ng mga ahensiya ng gobyerno na inilaanan ng pondo sa GAA-2020, GAA-2021, GAA-2022, GAA-2023, GAA-2024 na kasama pa rin sa NEP-2025.. Sinasabi ng C-N-B na karaniwang nagaganap ang budget insertions sa Bicameral Conference Committee o (BICAM) sa pagitan ng Kamara at Senado.
Sa GAA-2024, interes lamang ang ibinayad sa sovereign debt ng Pilipinas na nagkakahalaga ng 1.241- trilyong piso.. Sa panukalang NEP-2025 na 6.352-trilyong piso.,. 1.202-trilyong piso ang inilaan para sa debt service principal amortization..Sa halip na ibawas sa utang ng Pilipinas, abala ang mga mambabatas sa paghahanap kung saan ilagay o i-parking muna ang pagkakakitaang multi-bilyong pisong pondo… ang resulta, lumolobo ang ating sovereign debt taon-taon.
Kapanalig, mahigit 2,000-years ago na ang 10-utos ng Panginoon.,ika-pito dito ay “Huwag kang Magnakaw”.. Upang hikayatin at maging mapagmatyag ang mga Pilipino sa laganap na korapsyon at paglilinlang lalu sa mga ahensiya ng pamahalaan., inilunsad ng Radio Veritas 846 at Public Affairs Ministry ng Archdiocese of Manila ang “Huwag kang Magnakaw” advocacy campaign na naging pambansang
“battle-cry” sa pagsusulong ng “honesty at katotohanan” upang maibalik ang ninakaw na dignidad ng mga Pilipino.
Kapanalig, tinatawagan tayo na makialam, konsensiyahin natin ang ating mga mambabatas, mga opisyal ng pamahalaan na maghunos-dili at pahalagahan ang pera ng bayan.
Sumainyo ang Katotohanan.