Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kabutihan ng yumaong si Bishop Emeritus Martirez, inalala

SHARE THE TRUTH

 6,045 total views

Nagsilbing Ama na ginabayan ang mga batang pari at seminarista ang yumaong si San Jose de Antique Bishop Emeritus Raul Martirez sa Christ the King Parish, Green Meadows Quezon City.

Ito ang pag-alala ng dating Kura Paroko ng Saint John Paul II Parish Father Jose ‘Bong’ Tupino III sa yumaong Obispo.

“Siya yung tinuturing namin na tatay namin dito sa Christ the King at kahit mahina siya at madaling o madalas na may sakit lagi parin siyang masiyahin at kapag kaya niya yung mga imbitasyon lalung-lalu na sa mga misa at sacraments ay lagi siyang nakahandang umalalay, si Bishop Raul malapit sa mga Pari ng Diocese of Cubao kaya kilala namin siya, lagi namin siyang nakakasama din pag may mga pagkakataon na may activities sa Diocese,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Tupino.

Aminado ang Pari na bagamat labis ang kalungkutan ng Diyosesis ng Cubao ay masaya naman silang isipin na kasama na ng Panginoon si Bishop Martirez.

Panawagan ng Pari sa mga mananampalataya ang patuloy na pananalangin para sa kaluluwa ng yumaong Obispo at pati narin sa ikabubuti ng mga pastol ng simbahan sa Diyosesis ng Cubao.

“Pero si Bishop Raul kahit mahina siya, kahit may sakit sa paggising niya sa umaga makikita mo yung kaniyang pagpapasalamat sa Diyos sa lahat ng biyayang kaniyang patuloy na tinatanggap kaya nagpapasalamat kaming lahat sa inyo na nakikinig at nagdadasal para kay Bishop Raul at sana ipagdasal niyo rin kaming lahat na mga Pari,” bahagi pa ng panayam kay Father Tupino.

Sumakabilang buhay si Bishop Martirez noong September 02, 2024 pasado alas onse ng gabi sa edad 86- taong gulang at inihatid sa huling hantungan noong ika-6 ng Setyembre 2024.

Naordinahan ang Obispo bilang Pari noong March 1961 sa Archdiocese of Capiz at itinalaga siya ni St. John Paul II bilang Obispo ng Antique noong January 5, 1983.

March 16 2002, makalipas ang mahigit dalawang dekadang pagsisilbi bilang Obispo ng Antique nag-retiro si Bishop Martirez at naging aktibo sa pagdiriwang ng mga banal na misa at pagtulong sa mga pamparokyang gawain ng Christ the King Parish sa Greenmeadows, Quezon City.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trahedya sa basura

 59,947 total views

 59,947 total views Mga Kapanalig, isang trahedya ang pagguho ng Binaliw landfill sa Cebu City ngayong Zero Waste Month pa naman. Noong ika-8 ng Enero, gumuho

Read More »

Tunay na kaunlaran

 81,723 total views

 81,723 total views Mga Kapanalig, ilang barikada pa kaya ang itatayo ng mga residente ng bayan ng Dupax del Norte sa Nueva Vizcaya upang protektahan ang

Read More »

Huwag gawing normal ang korapsyon

 105,624 total views

 105,624 total views Mga Kapanalig, kasama nating tumawid sa 2026 ang isyu ng korapsyon. Wala pa ring napananagot na malalaking isda, ‘ika nga, sa mga sangkot

Read More »

Kaunlarang may katarungan

 213,124 total views

 213,124 total views Mga Kapanalig, nagdiriwang ang mga vendors ng Baguio City Public Market matapos umatras ang SM Prime Holdings sa planong redevelopment ng pamilihan. Patunay

Read More »

Panalo para sa edukasyon?

 236,807 total views

 236,807 total views Mga Kapanalig, ngayong 2026, naglaan ang pamahalaan ng mahigit isang trilyong piso para sa Department of Education (o DepEd) at mga attached agencies

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top