Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Muling mapag-alab ang misyon ng Simbahan, tiniyak ng PCNE

SHARE THE TRUTH

 627 total views

Inihayag ng Philippine Conference on New Evangelization na paglalaanan ng panahon ng simbahan ang paggawa ng mga hakbang na muling mapag-alab ang misyon ng simbahan.

Ayon kay PCNE Director Father Jayson Laguerta tatalakayin sa ikawalong PCNE ang pagpapalakas sa mga parokya sa bansa na labis naapektuhan ng pandemya at iba pang mga hamong kinakaharap ng simbahan. Sinabi ng pari na tema sa PCNE 8 ang ‘Transforming Parishes 2022’ na layong suriin ang iba’t ibang dahilan na nagpahina sa misyon ng simbahan.

“The objective is how to transform parishes so that we will respond to the challenges of the times, basically renewal of parishes at paano lumakas ulit ang simbahan,” pahayag ni Fr. Laguerta sa panayam ng Radio Veritas.

Batid ng pari ang negatibong epekto ng pandemya sa mga parokya lalo na sa paglilingkod, sa ministry at maging ang pagdalo ng mananampalataya sa mga religious gatherings makaraan ang halos dalawang taong pagsara ng mga simbahan bunsod ng pag-iingat laban sa COVID-19.

Dumalo sa PCNE 8 ang mga obispo, pari at relihiyoso na pangunahing tagapagtaguyod sa mahigit tatlong libong parokya sa bansa at sa mga komunidad na pinagmimisyunan.

Paliwanag ni Fr. Laguerta ay bahagi pa rin ito ng synodal consultations subalit nakatuon sa mga lingkod ng simbahan.

“Ito actually ay follow up ng synodal consultations at ito ay naka focus sa mga pari muna para lang magkaroon ng pagkakataon ang mga pari na palalimin ang pagninilay sa synodal church at ang ibig sabihin nito which is missionary,” ani Fr. Laguerta.

Pinangunahan ng Divine Renovation Ministry mula Halifax Canada ang mga panayam batay sa kanilang programa na ‘Divine Renovation: Bringing Your Parishes from Maintenance to Mission.’

Ibinahagi ni Fr. Laguerta na sa pamamagitan ni Divine Renovation Ministry Founder Father James Mallon inilahad nito ang mga programa at pamamaraan para muling sumigla ang simbahan at mahikayat ang pamayanan na maging aktibo.

“Fr. James Mallon of Divine Renovation given a very good model of how to re-ignite parishes or transform parishes from being maintenance parishes to missionary parishes,” saad ni Fr, Laguerta.

Ginanap ang two-day conference sa San Carlos Seminary sa Makati City nitong August 3 at 4 na dinaluhan ng halos 500 indibidwal na binubuo ng mga obispo, pari at relihiyoso.

Pinangunahan naman ni Anna Stuart, Director ng Global Operations ng Divine Renovation Ministry ang grupo mula Canada na nagbigay ng mga panayam sa PCNE 8.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 47,491 total views

 47,491 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 63,579 total views

 63,579 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 100,969 total views

 100,969 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 111,920 total views

 111,920 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top