Grupo ng magsasaka, hati sa hatian ng financial aid sa rice farmers

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 838 total reads

Magkakaiba ang reaksyon ng grupo ng mga magsasaka sa nakatakdang pamamahagi ng pamahalaan ng financial aid para sa mga rice farmer ng Pilipinas.

Inihayag ni Cathy Estavillo, spokesperson ng Bantay Bigas na higit na makakatulong ang ayuda sa gastusin ng mga magsasaka at kanilang pamilya dahil sa nararanasang mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.

Dismayado naman si Estavillo sa mababang hatian ng pondo na 5-libong piso kada benepisyaryo para sa 1.5-milyong magsasaka.

“Bakit 1.5-million farmers lang mabibigyan samantala mayroon tayong 2.7-million rice farmers, tuloy pa rin ang panawagan ng Bantay Bigas na isawalang bisa ang Republic Act No.11203 (Rice Tarrification Law), walang positibong idinulot ang batas sa mga magsasaka at sa maralitang consumer mataas pa rin ang presyo ng bigas at P15,000 support subsidy sa lahat ng mga foodsecurity frontliners,” pahayag ni Estavillo sa Radio Veritas.

Iginiit naman ni Raul Montemayor, national manager ng Federation of Free Farmers (FFF) na bagamat kinikilala nila ang financial subsidy ay napakabagal ng pamamahagi nito ng pamahalaan na hindi isinabay sa taniman.

Ayon sa FFF, ngayong Agosto pa lamang inanunsyo ng Department of Budget and Management (DBM) na naipamahagi na sa Department of Agriculture ang 8-bilyong pisong pondo ng ayuda mula sa labis na buwis na nasingil sa ilalim ng Rice Tarrification Law (RTL).

“The money is being released to the Department of Agriculture (DA) 8 months from the end of 2021, and it will take another several months before the cash cards are issued and the money is actually received by farmers. There should also be a full accounting of these excess tariffs since the RTL took effect in March,”mensaheng ipinadala ni Montemayor sa Radio Veritas.

Ang 8-bilyong pisong financial aid ng Department D-B-M at D-A ay mula sa labis na pondong naipon sa mga buwis na nasingil ng RTL na sa mga bansang nag-aangkat ng imported na suplay ng bigas sa Pilipinas.

Ang ayuda na hahatiin sa tig-limang libong piso para sa 1.5-milyong magsasaka na benepisyaryo ng programa ay mula sa R-T-L.

Unang ipinananawagan ni San Jose Nueve Ecija Bishop Roberto Mallari sa pamahalaan ang pagtulong sa mga magsasaka higit na ngayong nararanasan ng sektor ang krisis na dulot ng pandemya at pagkalugi ng dahil sa malawakang agricultural smuggling.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 76,568 total reads

 76,568 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 111,341 total reads

 111,341 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 146,641 total reads

 146,641 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 372,910 total reads

 372,910 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 262,161 total reads

 262,161 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top