68,998 total views
Kapanalig, bago pa sumapit ang kapaskuhan o advent season ay nagpaparamdam na ang mga kandidato para sa 2025 midterm elections. Maingay na sa social media, laganap na ang adbocacy ads sa mga telebisyon at radio maging sa print media lalu na ang mga nakasabit na tarpaulin.
Pinaghahandaan na natin ang midterm election sa Mayo 2025. Ang tanong, tayong mga botante ba ay responsible, matapat ay may paninindigan?
Kapanalig, alam mo ba na ang isa sa masamang nangyayari tuwing eleksyon sa Pilipinas? Ang laganap na bilihan ng boto…Wala pang nahuhuli at napaparusahan sa bilihan ng boto na ipinagbabawal sa election code of the Philippines.
Talamak na ito sa alinmang panig ng Pilipinas., Nangyayari ito dahil may mga kandidato na bumibili ng boto at mga taong nagpapabili ng kanilang boto. Kapanalig, kasama isa ka ba sa nagpapabili ng iyong boto? Nabibili ba tayo? Pinagbibili ba natin ang ating bayang Pilipinas?
Kapanalig, tanggapin natin ang ibinibigay sa atin, pero huwag tayo magpadala sa kandidato.Panatilihin natin ang kalayaan sa pagpili ng karapat-dapat na lider na mapagkakatiwalaan sa pagpalakad sa ating bansa. Wala tayong utang na loob sa mga kandidato, walang tayong kasunduan sa kanila, wala tayong obligasyon sa kanila.
Mahalin natin ang ating bayan. Sa ganitong paraan pinapakita natin na mahal natin ang Diyos.
Nasasaad sa (Amos 5:14) “Gawin mo ang matuwid, hindi ang masama, upang ikaw ay mabuhay.
Sa gayon sasaiyo ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat.”
Sa Pastoral letter ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na may pamagat na “The Truth Will Set You Free”(John 8:32), binigyan diin ng kapulungan ng mga Obispo sa Pilipinas ang pahayag ni Pope Francis na …“ For many of us, “politics” is a distasteful word. Yet, Pope Francis invites us all towards a renewed appreciation of politics as “a lofty vocation and one of the highest forms of charity, inasmuch as it seeks the common good” (Fratelli Tutti, #180). Can our world function without politics? He further asks (cf. FT #176).
Hinihimok din sa pastoral letter ng CBCP ang mamamayan na “Let us stand up for truth. Remember: goodness without truth is pretense. Service without truth is manipulation. There can be no justice without truth. Even charity, without truth, is only sentimentalism. An election or any process that is not based on truth is but a deception and cannot be trusted.
Iginiit din ni dating CBCP President, Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang “Vote buying is a mark of the devil. It puts a price on the person of the voter,and tempts the poor” Villegas said.
Kapanalig, nasa iyong pagpapasya ang kinabukasan ng Pilipinas. Gamitin sa pagboto ang prinsipyo ng One GODly vote.
Sumainyo ang Katotohanan.