10,806 total views
Nagpapasalamat si Tandag Bishop Raul Dael sa mga pari ng Diyosesis ng Tandag na walang kapagurang ginagampanan ang misyong maipahayag ang Mabuting Balita ng Diyos sa mananampalataya.
Sa kanyang mensahe, pinuri ni Bishop Dael ang dedikasyon ng mga pari, lalo na sa paglilingkod nitong mga nagdaang araw sa pagdiriwang ng Simbang Gabi, Misa de Gallo, at mismong araw ng Pasko ng Pagsilang.
Ayon sa obispo, ang ganitong uri ng paglilingkod ay sumasalamin sa diwa ng Pasko—ang pag-ibig na isinilang sa anyo ng Panginoong Hesukristo.
“As we take time to rest and visit our families after weeks of exhausting yet fulfilling ministry, I want to express my heartfelt gratitude for your unwavering dedication and hard work. This kind of service truly reflects what Christmas incarnates—Love in its purest form,” ayon kay Bishop Dael.
Batay sa tala, nasa 65 ang kabuuang bilang ng mga pari ng Diyosesis ng Tandag na naglilingkod sa halos 600,000 mga katoliko.