Pari, umalma sa paratang na tumanggap siya ng maleta ng pera sa 18 ex-Marines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,883 total views

Mariing itinanggi ng Arnold Janssen Kalinga Foundation ang alegasyong ibinunyag sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee noong Hunyo 4, 2026, na nag-uugnay sa founder ng institusyon na si Fr. Flaviano Antonio “Flavie” Villanueva, SVD sa pagtanggap ng pera sa pamamagitan ng isang sobre at maleta.

Sa inilabas na pahayag ng AJ Kalinga, iginiit nitong walang katotohanan ang mga paratang na iniuugnay kay Fr. Villanueva at walang naganap na mga transaksyong binanggit ng testigo sa pagdinig.

“We categorically deny these allegations. They are false,” ayon sa pahayag ng AJ Kalinga.
Tinutulan ng institusyon ang alegasyon ng paghahatid ng sobre malapit sa isang simbahan sa Mindanao Avenue sa Quezon City na iniuugnay kay Fr. Villanueva.

Ipinaliwanag ng AJ Kalinga na walang anumang parokya, simbahan, o ministry center ng Society of the Divine Word (SVD) sa Mindanao Avenue na tumutugma sa paglalarawan ng testigo.

Pinabulaanan din nito ang alegasyon hinggil sa paghahatid ng maletang may lamang salapi sa isang lugar na tinukoy bilang “33 Clemente,” na ayon sa institusyon ay walang anumang ebidensyang sumusuporta at isa lamang gawa-gawang paratang.

“These allegations are not merely false. They are malicious, defamatory, and a grave injustice against a priest who has devoted his life to serving the poor, accompanying EJK victims and their families, and defending the dignity of those whose voices are often unheard,” giit ng AJ Kalinga.

Kinondena rin ng institusyon ang pagpapakalat ng mabibigat na akusasyong hindi suportado ng ebidensya at salungat sa mga madaling mapatutunayang katotohanan.

Binigyang-diin nito na matagal nang nahaharap si Fr. Villanueva sa mga pag-atake dahil sa kanyang pakikiisa sa mga biktima ng karahasan at pagtatanggol sa mga naaapi.

Iginiit din ng AJ Kalinga na hindi nito hahayaang masira ang kanyang mga dekada ng paglilingkod dahil sa mga gawa-gawang paratang.

Inihayag din ng institusyon na nagsimula na itong magsagawa ng kaukulang legal na hakbang laban sa mga taong nagpakalat ng maling paratang, habang tiniyak na magpapatuloy si Fr. Villanueva sa kanyang ministeryo para sa mahihirap, mga biktima, at mga naghahanap ng katotohanan at katarungan.

“Truth deserves protection. And those who deliberately defame others in the guise of testimony must likewise be held accountable,” pagtatapos ng pahayag.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 20,711 total views

 20,711 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 49,062 total views

 49,062 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 116,792 total views

 116,792 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 139,943 total views

 139,943 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 208,620 total views

 208,620 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top