Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Naghihintay ang Aleppo

SHARE THE TRUTH

 186 total views

Mga Kapanalig, habang tayo dito sa ating bansa ay nababahala sa mga isyung tila sinusubok ang pagpapahalaga natin sa buhay at karapatang pantao, may mga bahagi ng mundo kung saan higit na nasusubok ang pandaigdigang pagkakaisa laban sa karahasan at pagpaslang sa mga sibilyang naiipit sa mga madugong digmaan. Tingnan natin ang nagaganap sa Aleppo, ang pinakamalaking lungsod sa bansang Syria sa Gitnang Silangan.

Doon ay may matagal nang digmaan sa pagitan ng pamahalaan at mga rebeldeng lumalaban sa rehimeng Assad, ang pangulo ng Syria na tinuturing nilang mapanupil at mapang-api. Sinusuportahan ng Russia ang rehimeng Assad samantlang sinusuportahan ng Amerika at mga kaalyado nito ang oposisyon. Mula 2011, tumagal ang digmaang ito hanggang nasakop ng mga rebelde ang mahalagang siyudad ng Aleppo. Subalit buong bagsik na nilabanan ng pamahalaan ang pagkubkob ng mga rebelde sa Aleppo sa pamamagitan ng pagbomba at pagpulbos sa lungsod upang puksain at ubusin ang oposisyon. Sa kasamaang palad, napakaraming mga sibilyan ang naiipit sa digmaang ito—mga ordinaryong mamamayan, mga bata, at kababaihang walang kinalaman sa mga rebelde. Ayon sa isang ulat ng Syrian Observatory for Human Rights, simula noong Nobyembre lamang, halos 600 sibilyan, kasama ang mahigit 100 na mga bata, ang nasawi sa Aleppo mula nang ilunsad ng pamahalaan ang pinakahuli nitong opensiba upang bawiin ang Aleppo mula sa mga rebelde.

Mga Kapanalig, maaring itanong ninyo: bakit kailangan pa tayong mabagabag o makialam sa mga nagaganap sa napakalayong lugar ng Aleppo, samantalang mayroon tayong sariling mga problema ng mga pagpatay, karahasan, at digmaan dito mismo sa ating bansa tulad ng giyera kontra masamang droga?

Sa krisis na nagaganap sa Aleppo, sa walang habas na karahasan na ginagawa ng isang gobyerno laban sa mga sibilyang naiipit sa isang digmaan, nasasaksihan ng mundo ang kalupitang maaring gawin ng isang pamahalaan labas sa sarili nitong mga mamamayang walang kalaban-laban. Nasasaksihan din ng mundo na walang magawa ang iba pang mga bansa laban sa ganitong mga karahasan kahit na nakikita nila kung gaano kasama at kamali ang nangyayaring pagpatay sa mga tao.
Mga Kapanalig, dito nasusubok kung ano ang kayang gawin ng pandaigdigang komunidad o global community upang wakasan na ang isang napakalinaw na kasamaang nagaganap sa ating mundo. Isipin natin, mga Kapanalig, kung ang bawa’t bansa ay iisipin na wala tayong pakialam at walang dapat gawin sa mga ‘di makatao at ‘di makatuwirang karahasang nagaganap sa ibang bansa, sino pa ang makakasagip sa mga mamamayang inaapi ng sarili nilang pamahalaan? Kung ang bawat bansa ay sasabihing walang ibang bansang dapat makialam sa ginagawa nito sa sarili niyang teritoryo at sa sarili niyang mga mamamayan, paano na ang mga taong walang habas na pinapatay ng kanilang gobyerno dahil lamang may gusto itong puksaing mga kaaway?

Dahil sa posibilidad na ang mga pamahalaan ay maaring maging mapanupil at marahas laban sa mga mamamayan nito, bumuo ang maraming bansa ng mga organisasyong pandaigdigan, tulad ng International Criminal Court at ng United Nations, upang itaguyod at protektahan ang mga karapatang pantao ng lahat sa anumang bansang nakapaloob sa mga organisasyong ito. Ito rin ang dahilan kung bakit ang ating Simbahan ay malaki ang pagtingin sa papel ng ganitong mga pandaigdigang organisasyon sa pagtataguyod ng katiwasayan, seguridad, katarungan, at paggalang sa mga karapatang pantao. Ang pagsapi ng isang bansa sa mga organisasyong ito ay isang paraan upang protektahan ng mga mamamayan ang kanilang sarili laban sa mga namumuno sa kanila kung ang mga ito ay maging mapang-api at mapanupil.
Sa panahong ito ng Adbyento, sa panahong naghihintay tayo ng pagdating ni Hesus na ating tanging tunay na tagapaligtas at manunubos, ang mga taga-Aleppo ay naghihintay din ng kanilang kaligtasan mula sa karahasan at kamatayan. Ano kaya ang maari nating magawa? Pagnilayan po natin, mga Kapanalig.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 72,596 total views

 72,596 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 80,371 total views

 80,371 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 88,551 total views

 88,551 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 104,149 total views

 104,149 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 108,092 total views

 108,092 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 72,597 total views

 72,597 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ghost students

 80,372 total views

 80,372 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 88,552 total views

 88,552 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Big One

 104,150 total views

 104,150 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

ODD-EVEN scheme

 108,093 total views

 108,093 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kagutuman

 59,669 total views

 59,669 total views Hindi pa tapos ang unang quarter ng taong 2025., Tumaas pa lalo ang bilang ng mga Pilipinong nagugutom o kapos ang pagkain sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkakait ng kaarawan sa murang edad

 73,840 total views

 73,840 total views Mga Kapanalig, para sa grupong Child Rights Network (o CRN), masuwerte si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil napakapagdiwang pa siya ng kanyang 80th

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang lupa ay para sa lahat

 77,629 total views

 77,629 total views Mga Kapanalig, nangako ang mga tumatakbong senador sa ilalim ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas—ang ticket ni Pangulong BBM—na ipápasá nila ang National

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hapis ng mga biktima

 84,518 total views

 84,518 total views Mga Kapanalig, ang Diyos ay hindi manhid sa tinig ng mga inaabuso’t inaapi. Dahil naririnig ng Diyos ang kanilang mga panaghoy, hinahamon Niya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Popular Beyond Reproach

 88,934 total views

 88,934 total views Kapanalig, nakakulong sa kasalukuyan ang kontrobersiyal na ika-16 na pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Roa Duterte o kilala sa tawag na “tatay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Impeachment Trial

 98,933 total views

 98,933 total views Tuloy ang impeachment trial laban kay Vice-President Sara Duterte.. Ito ay sa kabila ng pagkakakulong at kinakaharap na kasong crime against humanity ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Labanan ang structures of sin

 105,870 total views

 105,870 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag palawakin ang agwat

 115,110 total views

 115,110 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sementeryo ng mga buháy

 148,558 total views

 148,558 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang education crisis?

 99,429 total views

 99,429 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top