Simbang Gabi sa Dubai, dinagsa ng OFWs

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 400 total reads

Pinapurihan ng CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ang mga Overseas Filipino workers na nagpabilib muli sa buong mundo matapos silang dumagsa sa Simbang Gabi sa St. Mary’s Catholic Church sa Dubai.

Ayon kay Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng komisyon, kinilala sila sa buong mundo gamit ang acronym na OFW o Outstanding Faith Witnesses na makabagong misyonero lalo’t dinadala nila ang kulturang Pilipino saan dako man sila ng mundo.

Sinabi pa ni Bishop Santos na ipinakita muli ng mga OFW na sa gitna ng kanilang pangungulila sa kanilang kaanak at pagod sa trabaho ay lagi pa rin nila inuuna ang Diyos na tangi nilang kinakapitan at pinagkukunan ng lakas.

“Yung ating mga Pilipino ang tawag natin sa kanila OFW pero sa atin at sa ibang bansa kilala rin sila sa OFW, Outstanding Faith Witnesses. Ipinapakita talaga nila ang kanilang pananampalataya at sa kanilang pananampalataya ipinakikita nila na higit silang nagtitiwala, higit silang nanalig at higit silang umaasa sa Diyos sa kabila ng kanilang mga pagpapakasakit at pangungulila at ang kanilang lakas ang kanilang katatagan ay kanilang pananampalataya ang pagtanaw. Ang paglapit sa Diyos at sa kabila ng pagod, puyat ay inuuna nila ang Diyos. At ito ay tanda kung saan talagang malapit ang mga Pilipino at talagang ang Diyos ang ating inuuna, siya ang ating pag – asa, siya ang kasagutan, ang kaligtasan natin,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Radio Veritas.

Sa ulat ng Philippine Statistics Authority noong 2015 nasa mahigit 700,000 ang mga OFWs sa United Arab Emirates habang 450,000 sa mga ito ay naninirahan sa Dubai na bumubuo sa 21.3 porsyento ng kabuuang populasyon ng Dubai.

Sa tala naman ng Khaleej Times ang UAE na tirahan ng halos 200 nationalities na binubuo ng walong bansa kabilang na ang Pilipinas nakapagtaya ng mahigit $26 bilyong kabuuang remittances na siyang ikina – angat ng ekonomiya ng UAE.

Nauna na ring sinabi ng Kanyang Kabanalan Francisco noong bumisita ito sa Pilipinas noong 2015 na ang mga OFWs ang mga makabagong misyonero ng Ebanghelyo sa buong mundo dahil sa kanilang buhay na patotoo sa pananampalatayang Katoliko.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 19,719 total reads

 19,719 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 54,048 total reads

 54,048 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 90,530 total reads

 90,530 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 108,742 total reads

 108,742 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 192,024 total reads

 192,024 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 216,619 total reads

 216,619 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 355,832 total reads

 355,832 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top