1,385 total views
Tama bang isisi ng kasalukuyang administrasyon sa nararanasang kalamidad ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na dumaranas ng involuntary hunger?
Ang involuntary hunger Kapanalig ay yaong mga nagugutom at hindi makakain ng isang beses sa loob ng tatlong buwan.
Dahil daw sa sunod sunod na kalamidad, naantala ang trabaho ng mga ahensiya ng gobyerno lalu na ang Department of Social Work and Development o DSWD upang mabawasan ang mga nagugutom?
Sa survey ng SWS sa noong ika-24 hanggang ika-30 ng Setyembre 2025, mula sa 16.1-percent noong Hunyo, tumaas sa 22-porsiyento ang mga nagugutom sa 3rd quarter ng taong kasalukuyan.
Naitala sa Metro Manila ang mataas na bilang ng mga nagugutom sa 25.7-percent.., 23.8 porsiyento sa Luzon at 19.7-percent sa Mindanao habang bumaba naman ang bilang ng mga nagugutom sa Visayas.
16.7-percent naman ang dumaranas ng moderate hunger habang 5.2 percent naman ang dumaranas ng severe hunger o madalas na pagkagutom.
Kapanalig, ang dumaraming bilang ng mga Pilipino na kumakalam ang sikmura ay hindi dahil sa sunod-sunod na kalamidad., Kundi ito’y resulta ng kawalan ng trabaho, mahal na presyo ng mga pangunahing bilihin at kawalan ng polisiya ng pamahalaan para itaas ang antas ng pamumuhay ng mga mahihirap na Pilipino. Kung hindi hinayaan, kinonsente ng pamahalaan ang paglaganap ng kultura ng korapsyon., ang trilyong pisong pondo na nawawala sa kaban ng bayan kada dahil sa katiwalian., wala sanang mahirap, wala sanang nagugutom na mga Pilipino.
Hindi mareresolba ang nararanasang gutom ng mga dukha kung walang “political will” ang gobyerno para sa kapakanan ng mahihirap. Paano mai-sasalba ng pamahalaan sa nararanasang gutom ang maraming Pilipino kung aasa lamang sa panaka-nakang “dole-out”? Hindi dole-out ang kailangan ng mga mahihirap na Pilipino kundi livelihood o programang pangkabuhayan.
Ang laging solusyon ng pamahalaan para maibsan ang nararanasang gutom ay ipa-freeze ang halaga ng mga pangunahing bilihin sa mga pamilihan. Kapanalig, ang ayaw tingnan o malaman ng Malakanyang ay kung may pambili ba ang mga mahihirap na Pilipino? Price freeze? Konting sentido-kumon naman!
Kapanalig, sinasabi ng JAMES 2:14-17 “What good is it, my brothers, if someone says he has faith but does not have works? Can that faith save him? If a brother or sister is poorly clothed and lacking in daily food, and one of you says to them, ‘Go in peace, be warmed and filled,’ without giving them the things needed for the body, what good is that?”
Dapat tularan ng mga lider ng Pilipinas ang Psalm 113:7 “He raises the poor from the dust and lifts the needy from the ash heap.”
Hindi lang dapat aminin ng administrasyong Marcos ang masaklap na kalagayan ng mga mahihirap. Kung may malasakit ang pamahalaan sa mga mahihirap., Tularan nila ang panginoon, God reaches down, lifting them from the lowest places of life.”
Sumainyo ang Katotohanan.




