Alamin ang pinagmumulan ng krisis sa climate change, hamon ng Pari sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 46,610 total reads

Nanawagan si Quezon for Environment (QUEEN) convenor Fr. Warren Puno na huwag lamang ituon sa mga flood control projects ang pagtugon sa mga kalamidad, kundi siyasatin at tugunan ang pinagmumulan ng patuloy na pagkasira ng kalikasan na nagdudulot ng mas matinding epekto ng climate change.

Ayon kay Fr. Puno, ang sunod-sunod na malalakas na bagyo at malawakang pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng bansa ay patunay ng lumalalang krisis sa klima, na higit pang pinapalala ng hindi makatarungang paglapastangan sa mga kabundukan at kagubatan kapalit ng pag-unlad.

“Ang panawagan natin ay hindi lang siyasatin ang flood control, kundi alamin ang tunay na dahilan ng pagbaha. At ito ay walang iba kundi ang patuloy na pagkasira ng kabundukan. Kaya’t kung bakit malalakas ang mga bagyo at malalawak ang pagbaha ay dahil na rin sa climate change,” pahayag ni Fr. Puno sa panayam ng Radyo Veritas.

Binigyang-diin din ng pari na kailangang ihinto na ang mga gawaing nagpapalala sa climate crisis, tulad ng patuloy na pagtatayo at pagsuporta sa mga coal fired power plant na gumagamit ng fossil fuel.

Bagamat nakatutulong ito sa pagkakaroon ng suplay ng kuryente sa bansa, ang maruming usok mula rito ay nagdudulot naman ng panganib sa kalusugan sa mga apektadong pamayanan.

Hinimok ni Fr. Puno ang pamahalaan na pag-aralang muli ang patuloy na paggamit ng fossil fuel at isaalang-alang ang ganap na paglipat sa malinis at ligtas na renewable energy.

“So, ‘yun ‘yung ating panawagan sa pamahalaan na muling pag-aralan kung talagang kailangan at kailangan na ba talaga nating mag-switch sa renewable energy,” ayon kay Fr. Puno.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 85,525 total reads

 85,525 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 179,597 total reads

 179,597 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 223,865 total reads

 223,865 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 246,974 total reads

 246,974 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 318,259 total reads

 318,259 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 146,998 total reads

 146,998 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top