Pagsasabatas sa Commission Against Infrastructure at Anti-Dynasty bill, suportado ng House Speaker

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 33,940 total reads

Isinusulong ni House Speaker Faustino Dy III ang dalawang panukalang batas ng House of Representatives na layong labanan ang korapsyon at palakasin ang pananagutan sa pamahalaan.

Sa kaniyang talumpati sa pagbubukas ng sesyon, kabilang sa isusulong na panukala ay ang Independent Commission Against Infrastructure Corruption (ICI) Bill ay magtatatag ng independiyenteng komisyon na mag-iimbestiga at mag-uusig sa mga sangkot sa anomalya o ghost projects, partikular sa flood control programs.

Gayundin, ang Anti-Dynasty Bill, na layong malinaw na tukuyin ang “political dynasty” sa Konstitusyon.

Ayon kay Dy, layunin ng batas na ito na itaguyod ang patas na kompetisyon at nang mas maraming Pilipino ang magkaroon ng pagkakataon na makapaglingkod sa pamahalaan.

Una na ring inamin ng mambabatas na ang kanyang pamilya ay bahagi rin ng matagal na paglilingkod sa gobyerno kung saan may 16 sa kaniyang pamilya ay nasa pamahalaan.

“Kaya’t samahan ninyo akong isulong natin ang isang panukalang batas na magbibigay ng malinaw at makatarungang depinisyon ng “political dynasty”—isang depinisyon na tapat sa diwa ng ating Saligang Batas at nakatuon sa pagpapalakas ng ating demokrasya.”

“Ang layunin nito ay hindi upang hadlangan ang sinuman, kundi upang palawakin ang pagkakataon para sa mas maraming Pilipino na makapaglingkod at makibahagi sa pamahalaan,” ayon sa pinuno ng Kamara.

Aniya, ang dalawang panukala ay konkretong hakbang ng Kamara para muling maibalik ang tiwala ng publiko sa gobyerno.

Ang dalawang panukalang batas ay itinuturing na tugon sa patuloy na hinaing ng publiko laban sa katiwalian at sa pangmatagalang isyu ng political dynasty sa bansa.

Binanggit din ni Dy na ang hakbang ay bilang tugon na rin sa hamon ng simbahan sa mga opisyal ng pamahalaan.

“Sa mensahe ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines nitong mga nakaraang araw, malinaw ang paalala: magmuni, magnilay-nilay, at higit sa lahat, maging tuwid. Ang mensaheng ito ay hamon para sa bawat isa sa atin sa pamahalaan—na ang tunay na reporma ay hindi nasusukat sa dami ng ating ipinapangako, kundi sa epekto at bisa ng ating mga isinasagawang programa,” ayon pa ay Speaker Dy.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 86,468 total reads

 86,468 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 180,498 total reads

 180,498 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 224,766 total reads

 224,766 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 247,875 total reads

 247,875 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 319,117 total reads

 319,117 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top