Fossil Fuel Non-Proliferation Treaty, suportado ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,786 total reads

Suportado ni Caritas Philippines Vice President, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, ang layunin ng Fossil Fuel Non-Proliferation Treaty bilang makataong tugon sa patuloy na krisis sa klima.

Ayon kay Bishop Alminaza, na itinalaga rin bilang Bishop Champion for Integral Ecology ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), tungkulin ng Simbahan na magsalita at kumilos upang pangalagaan ang kalikasan, na itinuturing na tahanan ng lahat.

Aniya, panahon na upang tutulan ang patuloy na paggamit ng coal, fossil gas, at iba pang mapaminsalang pinagkukunan ng enerhiya na nagpapalala sa epekto ng climate change, alinsunod sa 2022 Pastoral Letter on Ecology ng CBCP.

“In our 2022 Pastoral Letter on Ecology, the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines calls on all of us-as shareholders, clients, and stakeholders of financial institutions-to use our influence to demand the phaseout of coal, fossil gas, and other destructive energy sources in accordance with the global goal of limiting warming to 1.5°C,” pahayag ni Bishop Alminaza.

Sinabi ni Bishop Alminaza na ang Fossil Fuel Non-Proliferation Treaty ay nagbibigay ng konkretong hakbang para sa mga pamayanan, simbahan, at pamahalaan upang magtulungan sa pagtataguyod ng mga layunin para sa kalikasan batay sa katarungan, malasakit, at pananagutan.

Dagdag pa ng obispo, ito ay pandaigdigang panawagan para sa pagiging bukas at pananagutan sa pamamagitan ng makatarungang pagbabago, na nakaugat sa Katuruang Panlipunan ng Simbahan at sa ensiklikal na Laudato Si’ ni Papa Francisco.

Binanggit ni Bishop Alminaza ang paalala ng yumaong Santo Papa na mas epektibo ang mga lokal na batas kung may pagkakaisa sa mga karatig na pamayanan upang suportahan ang parehong patakarang pangkalikasan.

Iginiit ng obispo na dapat magsilbing patnubay sa pananampalataya at pagkilos ang panawagan ng Simbahan upang tugunan ang daing ng kalikasan at ng mga mahihirap na unang naaapektuhan ng krisis sa klima.

“May those entrusted with leadership in our communities prayerfully discern and consider endorsing this call. Together, let us lead the faithful toward a sustainable future rooted in justice, compassion, and care for God’s creation,” ayon kay Bishop Alminaza.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 85,500 total reads

 85,499 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 179,571 total reads

 179,571 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 223,839 total reads

 223,839 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 246,948 total reads

 246,948 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 318,235 total reads

 318,235 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 146,993 total reads

 146,993 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top