Nasa laylayan ng lipunan, hangaring maabot ng Obispo ng Cubao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,087 total views

Pangunahing hangarin ni Cubao Bishop Elias Ayuban Jr. na maabot ang mga nasa laylayan ng lipunan at maiparamdam ang kalinga ng simbahan.

Si Bishop Ayuban-ay siyam na buwan ng nanunungkulan bilang ikalawang obispo ng Cubao makaraang italaga ni Pope Francis noong October 2024.

Ibinahagi ng obispo sa panayam sa Pastoral visit on-the-air ng Radyo Veritas, ang mas malapit na presensya ng Simbahan sa mananampalataya sa kanilang pang-araw-araw na buhay.

Ayon kay Bishop Ayuban, mahalagang hindi lamang ang mga nasa gitna ng pamayanan ang natutukan, kundi lalo na ang mga nasa tinatawag niyang “existential peripheries” o mga sektor na madalas hindi nararamdaman ang presensya ng mga pari at obispo.

“Personal dream ko na madama ng mga parishioner sa Cubao yung ecclesial presence lalo na on our part bilang obispo at mga pari, yung mga nasa laylayan na, not only in terms of geographic peripheries, but yung existential peripheries din,” ayon sa Obispo.

Bilang bahagi ng kanyang paglilingkod, sinisikap niyang madalas na magdaos ng misa sa mga lugar ng mga informal settlers, sa mga ospital, at higit sa lahat, sa mga bilangguan.

“I try my best na makamisa sa mga places of informal settlers, sa mga ospital – lalo na sa mga bilangguan,” dagdag pa ni Bishop Ayuban.

Inamin din ng Obispo na nagulat siya sa lawak ng mga hamon na kinakaharap ng mga residente sa kanyang nasasakupan.

“I was surprised to learn na napakarami pala dito ‘yung mga place na binabaha at mga nasunugan. Yun talaga yung gusto kong maabot,” wika niya.

Kasabay nito, binigyang-diin ni Bishop Ayuban ang patuloy na pagsisikap ng diyosesis na mas mapaigting ang istruktura at pastoral na paglilingkod.

Kabilang dito ang pagtatayo ng bagong diocesan parishes, parish finance councils, at parish pastoral councils, gayundin ang desk for the protection of minors.

Naglatag din ang obispo ng mga bagong ministeryo upang mas mailapit ang Simbahan sa iba’t ibang sektor ng lipunan.

“May mga bagong ministries tulad ng ministry for the elderly at para sa LGBTQ+ community, para rin matugunan yung mga sektor na madalas hindi natin nalalapitan,” paliwanag ng Obispo.

Ang Diocese ng Cubao ay unang pinamahalaan ni Bishop-emeritus Honesto Ongtioco sa loob ng 21 taon simula nang maitatag na hiwalay na diyosesis ang Cubao mula sa Maynila noong 2003.

Sa kasalukuyan, ang diyosesis ay binubuo ng 1.4 na milyong mananampalataya na may 47 mga parokya na pinangangasiwaan ng 304 na mga pari.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 21,146 total views

 21,146 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 195,080 total views

 195,080 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 172,713 total views

 172,713 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 236,099 total views

 236,099 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 254,361 total views

 254,361 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top