Hindi kayo ang may-ari ng kayamanan ng bayan, paalala ni Cardinal Tagle sa mga lider ng bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,682 total reads

Hinimok ni Cardinal Luis Antonio Tagle, Pro Prefect ng Dicastery for Evangelization, ang mga Pilipino na manatiling nagkakaisa sa panalangin para sa kapayapaan at pagkakasundo ng bansa.

Sa misa sa Our Lady of the Assumption Parish sa Malate noong Setyembre 21, nanawagan si Cardinal Tagle sa mga mananampalataya na kumapit sa Panginoon upang matagpuan ang pag-asa at manaig ang kabutihan sa lipunan.

Kasabay nito, ipinagdiwang din ang pagbabasbas sa bagong sacristy at carillon bells ng parokya.

“Ito ay araw ng pagtitipon sa pananalangin upang humingi ng lakas sa Diyos upang ang ating mga pinuno at tayong lahat ay maging mapagkakatiwalaang katiwala,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Tagle.

Ang kanyang pagninilay ay nakabatay sa Ebanghelyo ni San Lukas (16:1–13) na tumatalakay sa wastong pagiging katiwala ng mga biyaya ng Diyos.

Ipinaalala rin niya sa mga pinuno ng bayan na ang yaman ng bansa ay hindi nila pag-aari.

“Sa ating mga leaders, hindi po kayo ang may-ari ng kayamanan ng bayan. Kayo ay katiwala lamang,” giit ng kardinal.

Kasabay ng misa, ginunita ng bansa ang ika-53 anibersaryo ng deklarasyon ng batas militar, na sinabayan ng malawakang kilos-protesta sa EDSA Shrine at People Power Monument upang ipanawagan ang katarungan at pananagutan ng mga tiwaling opisyal.

Para naman kay Fr. Hans Magdurulang, kura paroko ng Our Lady of the Assumption, napapanahon ang pagbabasbas ng mga bagong pasilidad.

“Sa gitna ng ingay ng mga hindi magagandang pangyayari sa ating bayan, dumating ang biyaya mula sa Diyos—ang sacristy kung saan inihahanda ang mga sakramento, at ang carillon bell, indeed the voice, the sound of God’s peace and justice na nag-aanyaya sa sambayanan tungo sa kapayapaan,” aniya.

Bahagi rin ito ng pagdiriwang ng parokya para sa ika-75 anibersaryo ng dogma ng Pag-aakyat kay Maria sa Langit, at paghahanda sa ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng parokya sa susunod na taon.

Dagdag pa ni Fr. Magdurulang, nawa’y ang bawat Kristiyano ay isabuhay ang mensahe ng Mahal na Ina.

“Huwag nating sayangin ang pagkakataon ng buhay natin dito sa mundo. Magagawa pa nating itama ang mali at pagtulung-tulungan na gawing mabuti ang anumang masamang nangyayari sa ating bayan,” paalala ng pari.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 5,983 total reads

 5,983 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 105,727 total reads

 105,727 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 188,757 total reads

 188,757 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 283,088 total reads

 283,088 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 344,545 total reads

 344,545 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top