Nasa laylayan ng lipunan, hangaring maabot ng Obispo ng Cubao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,242 total reads

Pangunahing hangarin ni Cubao Bishop Elias Ayuban Jr. na maabot ang mga nasa laylayan ng lipunan at maiparamdam ang kalinga ng simbahan.

Si Bishop Ayuban-ay siyam na buwan ng nanunungkulan bilang ikalawang obispo ng Cubao makaraang italaga ni Pope Francis noong October 2024.

Ibinahagi ng obispo sa panayam sa Pastoral visit on-the-air ng Radyo Veritas, ang mas malapit na presensya ng Simbahan sa mananampalataya sa kanilang pang-araw-araw na buhay.

Ayon kay Bishop Ayuban, mahalagang hindi lamang ang mga nasa gitna ng pamayanan ang natutukan, kundi lalo na ang mga nasa tinatawag niyang “existential peripheries” o mga sektor na madalas hindi nararamdaman ang presensya ng mga pari at obispo.

“Personal dream ko na madama ng mga parishioner sa Cubao yung ecclesial presence lalo na on our part bilang obispo at mga pari, yung mga nasa laylayan na, not only in terms of geographic peripheries, but yung existential peripheries din,” ayon sa Obispo.

Bilang bahagi ng kanyang paglilingkod, sinisikap niyang madalas na magdaos ng misa sa mga lugar ng mga informal settlers, sa mga ospital, at higit sa lahat, sa mga bilangguan.

“I try my best na makamisa sa mga places of informal settlers, sa mga ospital – lalo na sa mga bilangguan,” dagdag pa ni Bishop Ayuban.

Inamin din ng Obispo na nagulat siya sa lawak ng mga hamon na kinakaharap ng mga residente sa kanyang nasasakupan.

“I was surprised to learn na napakarami pala dito ‘yung mga place na binabaha at mga nasunugan. Yun talaga yung gusto kong maabot,” wika niya.

Kasabay nito, binigyang-diin ni Bishop Ayuban ang patuloy na pagsisikap ng diyosesis na mas mapaigting ang istruktura at pastoral na paglilingkod.

Kabilang dito ang pagtatayo ng bagong diocesan parishes, parish finance councils, at parish pastoral councils, gayundin ang desk for the protection of minors.

Naglatag din ang obispo ng mga bagong ministeryo upang mas mailapit ang Simbahan sa iba’t ibang sektor ng lipunan.

“May mga bagong ministries tulad ng ministry for the elderly at para sa LGBTQ+ community, para rin matugunan yung mga sektor na madalas hindi natin nalalapitan,” paliwanag ng Obispo.

Ang Diocese ng Cubao ay unang pinamahalaan ni Bishop-emeritus Honesto Ongtioco sa loob ng 21 taon simula nang maitatag na hiwalay na diyosesis ang Cubao mula sa Maynila noong 2003.

Sa kasalukuyan, ang diyosesis ay binubuo ng 1.4 na milyong mananampalataya na may 47 mga parokya na pinangangasiwaan ng 304 na mga pari.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 37,016 total reads

 37,016 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 72,819 total reads

 72,819 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 299,089 total reads

 299,089 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 192,557 total reads

 192,557 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 284,605 total reads

 284,605 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 6,380 total reads

 6,380 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top