Nasunugan sa Parola compound,kinakalinga ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,148 total reads

Umaapela ng panalangin at tulong ang Our Lady of Peace and Good Voyage Parish para sa mga naapektuhan ng sunog sa Parola Compound, Tondo Maynila.

Ayon kay Rev. Fr. Jorge Peligro, kura-paroko ng OLPGV, ilang mga pamilya ang nananatili ngayon sa kanilang parokya at kanilang binibigyan ng pagkain at iba pang pangangailangan habang ang ilan ay nanatili sa mga malapit na evacuation center.

Kasalukuyan din aniyang nag-iikot ang mga volunteers ng Simbahan para malaman ang iba pang impormasyon sa naganap na sunog bagamat ang iba sa mga ito ay naapektuhan din.

Sinabi ni Fr. Peligro na kumikilos na sila ngayon para makatulong sa mga apektadong pamilya at bukas sila sa anumang tulong na maibabahagi ng mga may mabututing kalooban.

“Nakita ko naman na marami talaga nabiktima itong sunog maari po lamang na buksan natin ang ating mga puso at tumulong tayo sa mga nangangailangan, sa mga biktima. Sa ngayon yung mga normal na pangangailangan ay mga pagkain, mga damit, mga puwede nila gamitin para makatawid sa problema nila ngayon. Lahat po tayo manalangin, magdasal na sana malampasan nila ang problema na ito.” pahayag ni Fr. Peligro sa panayam ng Veritas 846.

Kaugnay nito inaasahang naman ang pagtugon ng Caritas Manila at Simbahang ng Quiapo sa mga naapektuhan ng sunog sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga relief packs, hygiene kits at pagpapakain sa mga nasunugang residente.

Tinatayang aabot sa 3 libong pamilya o mahigit sa 6 na libong indibidwal ang naapektuhan ng nasabing sunog na tumagal ng halos sampung oras.

Taliwas sa mga naglalabasang ulat, ang Simbahan ay mabilis na tumutugon sa pangangailangan ng mga biktima ng sunog at kalamidad.

See: http://www.veritas846.ph/diocese-gumaca-pinasalamatan-ang-radio-veritas-caritas-manila/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 42,592 total reads

 42,592 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 80,194 total reads

 80,194 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 115,491 total reads

 115,491 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 341,761 total reads

 341,761 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 232,658 total reads

 232,658 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 111,336 total reads

 111,336 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top