NEDA, hiningi ang tulong ng Simbahang Katolika sa responsableng pagpapamilya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 438 total reads

Humiling ng tulong ang National Economic and Development Authority sa Simbahang Katolika sa pagbibigay ng kamalayan sa taumbayan ukol sa pagiging responsableng magulang o “Responsible Parenthood” na siya namang suportado at isinusulong ng mga Katoliko laban sa Reproductive Health Law.

Ayon kay NEDA Deputy Director General Rosemarie Edillon, malaki ang impluwensya ng Simbahan sa taumbayan na mabigyan sila ng pamantayang katuruan sa pagpapamilya na hindi tinitingnan bilang isa lamang puhunan kundi isang regalo mula sa Diyos na dapat napagkakalooban ng mga pangunahin niyong pangangailangan tulad ng edukasyon at sapat na makakain.

“Dapat tulong – tulong ang iba’t ibang sektor dito. Yung iba kasi driven by belief system nila so sana matulungan tayo ng Church in particular para matulungan sila ng Responsible Parenthood. Kung baga yung anak hindi nila titignan na as an investment kundi as a gift from God na dapat ino – nourish na dapat ay pina – aral, inaalagaan,” pahayag ni Edillon sa panayam ng Veritas Patrol.

Iginiit pa ni Edillon na malaki ang problemang kanilang kinakaharap lalo sa mga lugar sa bansa na dumarami ang bilang ng kanilang anak at hindi naman sapat ang perang kanilang kinikita upang pakainin at tustusan ang pangangailangan ng kanilang mga anak.

Kabalikat nito, paliwanag rin ni Edillon na bagaman may pagkakaiba man ng paniniwala sana ay mangibabaw ang layunin na masolusyunan ang kahirapan sa ating bansa lalo na kampanya ng Simbahan na Responsible Parenthood laban sa RH Law.

“Wala tayong problema kung yung number of number of children na magkakaroon sila ay yung tinatawag natin na yun yung planado nila. Kasi kapag planado nila ibig sabihin handa sila para doon. Ang problema kasi yung mga unmet demand alam natin na yung Church goes with Responsible Parenthood yung methods lang ang nagkakaiba tayo. Kung magkakapareho tayo ng objective tapos kung turuan lang yung mga couples kung paano itong iba’t ibang methods na ito provided we come up with the same result wala dapat away,” giit pa ni Edillon sa Radyo Veritas.

Samantala, nabatid na sa inilbas na pag – aaral Philippine Statistics Authority (PSA) noong 2015 tinatayang 21.6 na porsiyento o katumbas ng 21.93 milyong Pilipino ang hindi kayang makabili ng kanilang pangunahing pangangailangan.

Gayunman, sa panig naman ng Simbahang Katolika ipinagpapatuloy nito ang kanyang misyon sa pagsusulong ng mga Marriage Ecounter at Basic Ecclesial Communities upang imulat ang pamilya sa pagiging responsableng mga magulang.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 23,867 total reads

 23,867 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 104,263 total reads

 104,263 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 198,489 total reads

 198,489 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 258,978 total reads

 258,978 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 271,629 total reads

 271,629 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 205,266 total reads

 205,266 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 349,917 total reads

 349,917 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top