485 total views
Inaanyayahan ng Radio Veritas Asia ang mamamayan sa online launching New Radio Veritas Asia Mobile App sa October 11.
Ayon sa pamunuan ng institusyon, ito ay bahagi ng pagpapaigting sa misyon ng simbahan sa larangan ng media sa iba’t ibang bahagi ng daigdig partikular sa Asya.
“RVA has kept its mission to share Christ with Global Asians through its 21 Language Services, from its shortwave broadcasting days to its migration to online. And now this improved app is another way for RVA to continue with its mission while keeping up with the constantly changing times,” bahagi ng pahayag ng Radio Veritas Asia.
Pangungunahan ni Federation of Asian Bishops’ Conference President at Yangon Archbishop Charles Maung Bo ang Banal na Misa na gaganapin sa St. Mary’s Cathedral sa Yangon, Myanmar alas onse y media ng umaga habang ala una ng hapon naman ang pormal na paglulunsad ng app.
Magbibigay din ng pambungad na pananalita si Radio Veritas Asia General Manager Fr. Victor Sadaya, CMF, ang panayam ni Cardinal Bo, FABC-OSC Chairman at San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari, Fr. George Plathottam, SDB at Michael Unland ang Executive Director ng Catholic Media Council.
Ipipresenta ni Shibu Devasia, mobile app developer, Ethnicoders ang bagong app ng institusyon at app overview naman ni Shirley Benedictos.
Kabilang din sa data presentation sina Arlene Donarber, RVA Assistant Program Director, Fr. Bernard Dashi Tang, Program Director habang pangunahan naman ni Bishop Raymond Wickramasinghe ang pagbabasbas.
Matutunghayan ang buong programa sa Facebook Page ng Radio Veritas Asia.