Maging mapanuri sa ibobotong kandidato, hamon ng CBCP sa mga botante

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 616 total reads

Hinihikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Youth ang bawat botante lalu na ang mga kabataan at first time voters na masusing pag-aralan ang mga kandidato bilang paghahanda sa nakatakdang halalan sa bansa.

Ayon kay Diocese of Daet Bishop Rex Andrew Alarcon – chairman ng kumisyon, mahalagang pag-aralan ng bawat botante hindi lamang ang katauhan o karakter ng mga kandidato kundi maging ang plataporma at track record o mga nagawa ng mga ito.

Binigyang diin naman ng Obispo na bukod sa pagiging mapanuri ay mahalaga rin ang pananalangin at pagninilay ng bawat isa upang hilingin ang paggabay ng Panginoon sa paghalal ng mga karapat-dapat na mga opisyal ng bayan.

“Pag-aralan yung mga kandidato, ang kanilang plataporma, yung track record mahalaga rin ang kanilang track record kung ano ang kanilang nagawa nang sa ganun ay makapili tayo ng maayos, mahusay, so yung discernment mahalaga hindi lang pag-aaral kundi pagdarasal at this is very important so I encourage our young voters…” Ang bahagi ng pahayag ni Daet Bishop Rex Andrew Alarcon sa Radio Veritas.

Batay sa datos ng Commission on Elections (COMELEC) nasa mahigit 50-porsyento ng kabuuang bilang ng mga rehistradong botante na umaabot na sa mahigit 63-milyon ang kabilang sa itinuturing na ‘youth vote’ na mga botante na edad 18-taong gulang hanggang 40-taong gulang.

Samantala una nang ibinahagi ng COMELEC na umaabot na sa mahigit 4.3-milyon ang mga nagparehistro na mga first time voters na mas mataas sa target ng ahensya na 4-na milyon.

Kaugnay nito umaasa ang Simbahan hindi lamang sa matalino at aktibong pakikisangkot ng bawat mamamayan sa pangkabuuang proseso ng halalan kundi maging sa higit na paninindigan sa mga panlipunang turo ng Simbahan o pagpapairal ng One Godly Vote sa pagpili ng mga karapat-dapat na ihalal sa nakatakdang 2022 National ang Local Elections sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 69,283 total reads

 69,283 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 147,920 total reads

 147,920 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 181,368 total reads

 181,368 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 216,665 total reads

 216,665 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 440,374 total reads

 440,374 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top