Obispo, nanawagan sa mamamayan na gamitin ang konsensiya sa paghalal ng mga lider ng bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 611 total reads

Pinaalalahanan ni Balanga Bishop Ruperto Santos ang mamamayan na gamitin ang konsiyensya at pahalagahan ang halalan upang hindi pagsisisihan ang resulta nito.

Ayon sa Obispo, dapat piliin ng mamamayan ang mga taong nararapat na iluklok sa posisyon na magtataguyod sa kapakanan at tunay na magsusulong sa pag-unlad ng bayan.

“We have to take election seriously and conscientiously, its results can affect us either with gratitude or regrets; To vote is our right, we have to exercise our right to vote with wisdom and choose the righteous persons,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Iginiit ng obispo na nakasalalay sa bawat botante ang kinabukasan ng bansa kaya’t mahalagang suriing mabuti ang bawat kandidatong ihahalal.

Dagdag pa ng opisyal na dapat gawing basehan ng mamamayan sa pagpili ng kandidato ang moralidad ng tao ayon sa 3 G’s o ang ‘God, Gospel, and Good manners’ sa halip na ‘guns, goons and gold’ na nakasanayan sa mahabang panahon ng kasaysayan ng eleksyon.

“Let us consider those candidates who firmly believe, have strong faith, and heartily accept God. Someone who reveres the Lord is afraid to offend Him and makes decisions according to His commandments. Anyone who professes his or her belief in God, lives according to His ways and makes Him the center of his or her life,” ani ng Obispo.

Inihayag ni Bishop Santos na ang mga opisyal na may takot sa Diyos ay tunay na makapagbabahagi ng pag-ibig ng Panginoon sa pinaglilingkurang pamayanan at tutol sa DEATH Bills tulad ng extrajudicial killings, death penalty, aborsyon, reproductive health law at iba pa.

Ayon pa kay Bishop Santos na dapat taglay din ng mga ibobotong indibidwal ang pagsasabuhay sa Mabuting Balita at iwasan ang mga kandidatong hindi tapat sa sinumpaang tungkulin at naglilingkod para sa sariling interes.

“Anyone who uses weapons or gives grease payments and bribes, should never be considered for any position of leadership. Anyone who takes advantage of their government positions as a means of enriching themselves through privileges, perks, and exemption from rules and regulations, is NOT worthy of your votes,” giit ni Bishop Santos.

Sa huli hinikayat ng obispo ang mamamayan na piliin ang mga taong magpapakita ng pagiging mabuting ehemplo sa lipunan bilang mga lider na nagsusulong ng pagkakaisa ng mamamayan sa halip na pagkakahati-hati, pang-aabuso at karahasan.

“Having good manners, our words can be inspiring and encouraging, not abusive, offensive, nor life-threatening. Good manners exhibit actions that are pleasing, helpful, and not self-serving. So, before we cast our votes, know your candidates’ character beforehand. They should be right and excellent examples of good morals,” ani Bishop Santos.

Matatandang noong September 2 inilunsad ng Radio Veritas ng ‘One Godly Vote’ campaign na layong tulungan ang mahigit sa 60 milyong botante na suriin ang mga kumakandidato sa 2022 National and Local Elections upang matiyak na maisulong ang pagbabago at pag-unald ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 67,249 total reads

 67,249 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 145,970 total reads

 145,970 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 179,417 total reads

 179,417 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 214,714 total reads

 214,714 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 438,478 total reads

 438,478 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top