Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 374 total views

Kapanalig, ang resilience ay napakahalaga sa ating panahon ngayon. Hindi lamang natural disasters ang mga banta sa ating buhay at kabuhayan ngayon, kundi pati ang mga sakit, tulad nitong COVID, na maaring makagambala muli sa ating buhay. Ayon sa mga psychologists, ang resilience ay ang proseso ng pag-aadapt sa  mga pagbabago, problema, trauma, trahedya, banta, o ano mang stress sa ating buhay. Ito ay ang kapasidad natin na makarecover o makabawi ng mabilis mula sa anumang paghihirap.

Marahil, marami sa atin ang magsasabi na madali lang naman ito; o wala namang choice kaya tuloy tuloy lang ang bahay. Kaya lamang kapanalig, ang pagtuloy ng buhay ay hindi nangangahulugan na nakabangon ka na o resilient ka na. Ang resilience ay hindi lamang pagtanggap sa mga masasamang pangyayari. Hindi lamang ito ukol sa pagbawi ng mga nawalang pag-aari.

Sa konteksto ng panlipunang kasulungan, ang resilience ay mahalagang building block sa pagtataguyod ng isang sustainable na komunidad. Kapag ang isang trahedya o disaster ay nangyari sa isang komunidad, hindi lagi agarang available ang gobyerno o mga humanitarian organizations. Dahil sa trahedya, maaring maraming balakid sa kanilang pagdating. Kaya’t napakahalaga na ang komunidad ay handa. Hindi maaring naghihintay na lamang tayo ng tulong o ayuda lagi. Ang goal dapat natin ay maging maayos ang ating “wellbeing.”

May isang pag-aaral ang World Bank na nakita ang malapit na ugnayan ng trahedya o disasters sa kahirapan ng bansa.  Nakita nito na ang ‘average annual wellbeing losses’ dahil sa mga disasters o trahedya ay umaabot ng US$3.9 billion per year, mas mahigit pa sa “asset losses natin na may halagang US$1.4 billion kada taon. Ang wellbeing losses, kapanalig, ay kinikwenta ang socio-economic resilience ng tao, gaya ng abilidad na mamintina ang konsumpsyon habang bumabangon sa trahedya, kakayahan mag-impok o manghiram upang makatayo muli, at ang tinatawag na “decreasing returns in consumption – pag mahirap ka, mas apektado ka sa kahit katiting na pagbawas ng konsumpsyon kumpara sa may kaya.

Mahalaga, kapanalig, na tutukan natin ang resilience, hindi lamang sa lebel ng mga indibidwal, kundi sa lebel ng pamayanan. Dapat din, pagdating sa resilience, hindi lamang ang mga nawalang assets o pag-aari ang tutukan, kailangan din bigyang atensyon ang wellbeing. Pag assets kasi ang usapan, kapanalig, ang mahirap wala niyan, kahit may trahedya o wala. Pag wellbeing ang tinutukan natin, naisasama natin sa recovery planning ang mas maraming maralita.

Ito ang isa sa mahahalagang leksyon ng mga trahedya. Sa pagbangon ng komunidad, may naiiwan lagi, kasi ang ating binibilang sa recovery planning ay ang mga nawalang assets at hindi ang wellbeing o kagalingan o abilidad ng mga tao. Disasters take away more than money, kapanalig. At kung hindi natin makikita ito, hindi tayo magiging resilient. Ang wellbeing ng tao ay dikit sa kanyang dignidad- at ayon nga sa Mater et Magistra, walang katarungan kung hindi natin makikita ang dignidad ng tao.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 80,303 total views

 80,303 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 110,526 total views

 110,526 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 137,176 total views

 137,176 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 232,149 total views

 232,149 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 247,939 total views

 247,939 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 80,304 total views

 80,304 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 110,527 total views

 110,527 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 137,177 total views

 137,177 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 232,150 total views

 232,150 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »
Scroll to Top