No Meat Friday, suportado ng Diocese of Baguio

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,972 total reads

Suportado ni Baguio Bishop Victor Bendico ang No Meat Friday campaign upang isulong ang pangangalaga ng kalusugan kasabay ng pag-aayuno at pangingilin ngayong Kuwaresma.

Ayon kay Bishop Bendico makakabuti sa kalusugan ng tao na iwasan ang labis na pagkain ng karne sapagkat nagiging sanhi ito ng iba’t ibang karamdaman.

Ibinahagi ng Obispo ang kanyang obserbasyon sa mga pagdiriwang sa Benguet na ang karaniwang handa ay karne, at kaunti lamang ang gulay na pangunahing produkto ng lalawigan.

Ikinabahala rin ni Bishop Bendico ang mga kaso ng malulubhang karamdaman na karamiha’y ang nakakaranas ay mga kabataan sanhi ng labis na pagkonsumo ng karne.

“Parang naging carnivorous na ang mga tao kahit mga bata pa… Maraming cases dito ng heart attack kahit mga mid-years of their life. So, I support the campaign for health reasons. Ang palaging pagkain ng karne ay nakakasira ng mga internal organs natin at malaking possibilities na mag-develop ng diseases,” pahayag ni Bishop Bendico sa panayam ng Radio Veritas.

Batay sa mga pag-aaral, ang karne lalo ng baboy at baka ay ang pangunahing pinagmumulan ng mga sakit tulad ng sakit sa puso, cancer, Alzheimer’s disease, diabetes, at iba pang chronic diseases.

Kaya naman panawagan ni Bishop Bendico na siya ring chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines—Episcopal Commission on Liturgy, sa mananampalataya na kasabay ng pananalangin ngayong Kuwaresma ay ang pagsasabuhay at pagpapalaganap sa pagkain ng masusustansiyang prutas at gulay.

Maliban dito, nauna nang inihayag ni Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo na makakatulong ang No Meat Friday sa adbokasiya ng simbahan laban sa epekto ng climate change sapagkat ang animal agriculture ang nangungunang dahilan ng greenhouse gases na nakakaapekto sa temperatura ng daigdig.

Ang No Meat Friday campaign ay pinaigting ng Radio Veritas noong 2011 upang isulong ang pangangalaga sa kalusugan ng tao at kalikasan mula sa epekto ng climate change.

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 19,867 total reads

 19,867 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 1,098 total reads

 1,098 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 41,665 total reads

 41,665 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 69,741 total reads

 69,741 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 118,006 total reads

 118,006 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 140,041 total reads

 140,041 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 128,042 total reads

 128,042 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top