Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

No one is exempt in sickness-Bishop Santos

SHARE THE TRUTH

 38,459 total views

Pinaalalahanan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mamamayan sa kahalagahan ng buhay na ipinagkaloob ng Diyos sa bawat isa.

Ayon sa obispo, bawat oras ng paghinga nararapat na pahalagahan sapagkat ang pagkakasakit ay walang pinipiling estado ng buhay ng tao.

Ito ang pagninilay ng obispo makaraang maospital dahil sa karamdaman kung saan bukod tanging sa Diyos kumakapit sa pag-asa ng kagalingan.

“Sickness is an inevitable part of the human experience. No one is exempt—regardless of status, strength, or circumstance. Sickness has a way of stripping life down to its essence. Life is precious. When illness enters our lives—whether our own or someone we love—it sharpens our awareness of time,” ayon kay Bishop Santos.

Aniya, ang pagkakasakit ay paalala sa kahinaan ng bawat isa, lalo’t bukod sa pisikal, apektado rin ang emosyonal, mental, pinansyal, at maging ang espiritwal na aspeto ng tao.

Dagdag pa ni Bishop Santos, ang mga hamong kinakaharap ng tao tulad ng pagkakasakit ay hinahamon ang pagiging matibay at hangganan ng lakas, at sa pagitan ng pagkakasakit at paggaling ay mapagninilayan ang katotohanang napapabayaan ang sariling kalusugan at makikita ang buhay hindi lamang bilang isang bagay na taglay natin, kundi bilang isang bagay na dapat nating pahalagahan.

“Illness reminds us that resilience is not the absence of vulnerability—it is the courage to face it. Life is finite. There is no clearer reminder of mortality than sickness. Sickness is not only a reminder of mortality—it is also a call. A call that even in weakness, we find strength—not just in medicine or support systems, but in hope,” giit ng obispo.

Dalangin ni Bishop Santos na masumpungan ng bawat may karamdaman ang kagalingan at pag-asang dulot ng habag at awa ng Diyos na ipinamamalas sa sangkatauhan.

Samantala, ayon sa datos ng pamahalaan at ng World Health Organization, nangunguna pa rin ang ischemic heart disease sa mga nakamamatay na sakit sa mga Pilipino, habang napabilang naman sa mga karaniwang sakit sa bansa ang dengue, measles, pneumonia, tuberculosis, diabetes, cardiovascular disease, cancer, at HIV/AIDS.

Paalala ni Bishop Santos na sa panahon ng karamdaman, ito ay pagkakataong mas palalimin ang pananampalataya at pakikipag-ugnayan sa Diyos, sapagkat kadalasan itong nagtuturo sa tao sa kahalagahan ng buhay.

“Afflictions, though painful, can become a sacred space—a place where we encounter grace, grow in compassion, and deepen our faith. Sickness is never welcome, yet it is a profound teacher. It strips away illusion and reveals a simple truth: life is precious, fragile, and finite,” ani Bishop Santos.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 73,910 total views

 73,910 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 105,905 total views

 105,905 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 150,697 total views

 150,697 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 173,644 total views

 173,644 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 189,042 total views

 189,042 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 1,062 total views

 1,062 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 12,112 total views

 12,112 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top