188 total views
Isang magandang biyaya para sa mahihirap na pamilya ang bagong patakaran ni President Rodrigo Duterte ang “no demolition without relocation”.
Ayon kay Malaybalay Bishop Jose Cabantan, ito ang nararapat ginawa ng pamahalaan noon pa subalit hindi nangyayari.
Ayon sa Obispo, walang matagumpay na demolisyon dahil wala namang nakahandang malilipatan ang pamahalaan para sa mahihirap na pamilya na maapektuhan.
Iginiit ni Bishop Cabantan na bunsod ng maling patakaran ng pamahalaan sa pagpapaalis sa mga mahihirap na pamilya ay mas dumarami pa ang bilang ng mga pamilyang walang tahanan na tanging sa mga kalsada at ilalim ng mga tulay naninirahan.
“That’s Good News to the informal settlers! That should be the way of doing it which was not just done. Otherwise more and more will become homeless in our society instead of finding ways to reduce their number,” pahayag ni Bishop Cabantan sa Radio Veritas.
Ang administrasyong Aquino ay sinampahan ng Demolition Watch Network ng kaso sa United Nation dahil sa 50-insidente ng mararahas na demolisyon sa Metro Manila kung saan 16 na libong pamilya ang nawalan ng tirahan maging ng hanapbuhay dahil sa kawalan ng maayos at makataong relokasyon.