248 total views
Ito ang inaasahan ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity, sa unang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Pinatutukan ni Bishop Pabillo sa pagbubukas ng ika – 17 kongreso ang nauna nang naipangako ng ika – 16 na pangulo ng Republika ng Pilipinas ang pagtatanggal sa “labor contract system,” sa bansa at ang pagbibigay ng lupain sa mga magsasaka.
Sinabi ni Bishop Pabillo na maganda ang mga pangako pero balewala kung ito ay salita lamang at walang konkretong paraan kung paano gagawin.
“Maganda yung mga pangako niya noong eleksyon inaasahan sana natin na pagdating ng SONA magbibigay siya ng konkretong paraan paano niya ba tutuparin yung kanyang mga pangako. Kaya konkretong paraan paano tatanggalin yung ENDO, konkretong paraan paano maibibigay yung lupa para sa mga magsasaka. maganda yung pangako pero ano yung paraan na gagawin nila ng kanyang pamahalaan para mapatupad iyon,” bahagi ng pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Veritas Patrol.
Umaasa naman batay sa Trade Union Congress of the Philippines o TUCP ang nasa halos 35 milyong manggagawang kontraktwal sa mahigit 67.1 milyong manggagawa nitong 2016 kasama na ang mga magsasaka sa pagbabalangkas ng pangulo sa kanyang nais mangyari sa mga susunod na anim na taon nitong panunungkulan.
Magugunitang nanawagan ang kanyang Kabanalan Francisco sa United Nations na wakasan na ang umiiral na pang – aalipin sa mga maliliit na manggagawang kumikilos sa ikauunlad ng isang bansa.