Pangangalaga sa kalikasan, isama sa SONA-ATM

SHARE THE TRUTH

 340 total views

Bagamat, inaasahang magiging maigsi ang unang SONA o State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte,umaasa naman itong magiging malaman at maghihintay ang Alyansa Tigil Mina ng pahayag ng pangulo kaugnay sa mga suliraning pangkalikasan.

Ayon kay Jaybee Garganera, National Coordinator ng Grupo, malaki ang pag-asa nilang pagtutuunan ng pansin ni President Duterte ang kalikasan, at hindi ito magiging katulad ng nagdaang administrasyon.

“Inaasahan namin na kahit maiksi ay mababanggit ni President Duterte yung mga issue tungkol sa environment o sa mga hinaharap nating hamon sa kalikasan. Kasi kung matatandaan natin, nitong anim na taon ni PNoy, dun sa anim na SONAng ibinigay nya, isang beses lang nabanggit yung environment kasama na yung usapin ng mining at yung natitira nating gubat,” pahayag ni Garganera sa Radyo Veritas.

Samantala, aabangan rin ng ATM ang muling pagbibigay pansin ng pangulo sa mining industry ng Pilipinas, tulad ng ipinangako nito noong panahon ng kampanya.

“So ngayon inaasahan na natin na sa unang SONA ni President Duterte, mababanggit nya ang tungkol sa mining at saka recently yung tungkol sa climate change, bukod dun inaasahan natin na uulitin nya or at least mabanggit nya muli yung kanyang paninindigan na hindi nya papayagan yung iresponsableng pagmimina,” dagdag pa ni Garganera.

Sa kasalukuyan, habang patuloy ang mining audit na isinasagawa sa 40 operating metallic mines at 65 non-metallic mines sa bansa, ay una nang nag suspinde ang Department of Environment and Natural Resources ng apat na minahan.

Ito ang Benguet Corp. Nickel Mines Inc., Zambales Diversified Metals Corp., LNL Archipelago Minerals Inc. at Eramen Minerals Inc.

Sa Laudato Si ng Santo Papa Francisco, kinokondena nito ang labis na pagmimina ng mga kumpanyang mula sa First World Countries sa mga mahihirap na bansa tulad ng Pilipinas.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PRIVATIZATION

 181 total views

 181 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 21,205 total views

 21,205 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 40,177 total views

 40,177 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 72,841 total views

 72,841 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 77,851 total views

 77,851 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 158,239 total views

 158,239 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 102,085 total views

 102,085 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Scroll to Top