Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 105,724 total views

Mga Kapanalig, bilang reaksyon sa pagboboluntaryo ng kanyang mga tagasuporta para protektahan siya matapos bawasan ang kanyang mga police escorts, sinabi ni Vice President Sara Duterte: “Huwag kayong mag-alala sa akin at hindi ninyo kailangan mag-ambag ng pera para sa security ko. Ang pagtatrabaho sa pamahalaan ay pag-alay ng buhay para sa bayan.”

Kung gagamitin natin ang sikat na salitang ginagamit ng kabataan ngayon, aba’y “nonchalant” naman pala si VP Sara. Kalmado. Cool lang. Hindi natitinag.

Noong July 22, araw ng ikatlong SONA ni Pangulong BBM, sinabi ng bise presidente sa isang statement na ni-relieve o inalis ng Philippine National Police (o PNP) ang 75 na tauhan nito mula sa kanyang security group. Dahil dito, nasa 320 na security personnel na lang ang nakabantay sa kanya para sa seguridad. 

Hindi ito kakaunti, ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla. Sa katunayan, mas marami pa siyang bodyguard o security personnel kaysa sa mismong pangulo. Sa report ng Commission on Audit noong 2022, lumabas na ang Vice Presidential Security and Protection Group ay may 433 na tauhan. Sila ang pinakamarami sa mga kawani sa opisina ng pangalawang pangulo. Samantala, si dating Vice President Leni Robredo ay nairaos ang anim na taon niyang termino na may security personnel na hindi pa aabot sa isandaan. Sa huling taon nga niya sa puwesto, 78 lang ang nagbabantay sa kanyang seguridad.

Sa pagkakabawas ng bilang ng kanyang security personnel, tinawag ni VP Sara na “clear case of political harassment” ang ginawa ng PNP. Kung sa ibang mahahalagang isyu ay “no comment” ang ating bise presidente, sa pagkakatong ito ay naglabas siya ng apat na pahinang statement. Katakataka raw ang timing dahil nangyari ito pag-pullout ng 75 na pulis sa kanyang opisina pagkatapos niyang mag-resign bilang secretary ng DepEd at ihambing sa isang “catastrophic event” o malaking sakuna ang SONA. Iniugnay din niya ito sa pagkalat ng pekeng video kung saan makikitang nagdodroga diumano si PBBM. 

Nagpasaring din si VP Sara na ang banta sa kanyang buhay ay hindi kailangang manggaling sa labas ng gobyerno—pwede rin daw na magmula ito sa loob mismo ng gobyerno. Sinabihan din niya si PNP Chief Rommel Marbil: “…pagdating sa seguridad ng aking pamilya, ako ang magsasabi kung sino ang karapat-dapat, hindi ikaw. Batas ka lang, hindi ka Diyos.”

Teka—gamit ulit ang nauusong expression ng kabataan ngayon—parang “OA” naman na yata ito. 

Ang mga lider ng ating bansa ay binibigyan ng pribilehiyong proteksyunan ang kanilang buhay at kaligtasan. Malaki at mabigat din naman kasi talaga ang trabaho at tungkuling kanilang ginagampanan. Pero gaya ng anumang pribilehiyo, hindi dapat inaabuso ang pagkakaroon ng sariling security group, lalo na kung ang ibang mga nasa matataas na posisyon sa gobyerno ay may sapat na bilang lamang ng tagapagbantay. Ang ating kapulisan ay hindi rin dapat nagmimistulang bahagi ng private army ng mga pulitiko—bagay na nangyayari sa maraming lugar sa bansa. Tandaan din sana ng ating mga lider na ang suweldo nila at ng mga tauhan nila ay mula sa taumbayan, kaya may karapatan tayong kuwestyunin ang maling paggastos sa kaban ng bayan.

Mga Kapanalig, lagi nating paalala sa mga nais maglingkod sa gobyerno ang winika ni Hesus sa Mateo 20:27-28: “…kung sinuman sa inyo ang nagnanais maging una, ay dapat maging alipin ninyo. Sapagkat maging ang Anak ng Tao ay naparito, hindi upang paglingkuran, kundi upang maglingkod at ialay ang kanyang buhay sa ikatutubos ng marami.” Ang pagiging lider ay katulad ng pagiging pastol ng taumbayan, at ang pangunahing sandata ng pastol, minsang sinabi ni Pope Francis, ay kababaang-loob o humility—hindi armas, hindi daan-daang tagasalág ng bala.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 45,037 total views

 45,037 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 82,518 total views

 82,518 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 114,513 total views

 114,513 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 159,240 total views

 159,240 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 182,186 total views

 182,186 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 9,275 total views

 9,275 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 19,752 total views

 19,752 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Prayer Power

 45,038 total views

 45,038 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 82,519 total views

 82,519 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 114,514 total views

 114,514 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 159,241 total views

 159,241 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 182,187 total views

 182,187 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 189,896 total views

 189,896 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Pagnanakaw sa kinabukasan ng kabataan

 136,692 total views

 136,692 total views Mga Kapanalig, sa Senate budget hearing noong nakaraang linggo, iniulat ni DPWH Secretary Vince Dizon na 22 silid-aralan lamang sa target na 1,700 ang

Read More »

Disenteng bilangguan

 147,116 total views

 147,116 total views Mga Kapanalig, inilarawan ni Independent Commission for Infrastructure (o ICI) Commissioner Rogelio Singson bilang “decent” o disente ang pasilidad kung saan dadalhin ang

Read More »

Shooting the messenger

 157,755 total views

 157,755 total views Mga Kapanalig, eksaktong isang linggo na ang nakalilipas nang barilin ng hindi pa rin nahahanap na suspek ang local broadcaster na si Noel

Read More »

The Big One

 94,294 total views

 94,294 total views Nakakatakot, nakaka-pangangambang isipin ang “The Big One” Kapanalig, aminado ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na hindi mapipigilan at mangyayari ang

Read More »
Scroll to Top