Nuclear policy ng bansa, pinag-aaralan na ng DoE

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 358 total reads

Pinag-aaralan pa lamang ng Department of Energy ang mga nuclear policy kaugnay ng bagong development sa teknolohiya sa usapin ng pagpapatatag ng supply ng kuryente sa bansa at hindi ang pagbubukas na ng Bataan Nuclear Power Plant (BNPP).

Ito ang tugon ni Energy spokesman Felix William Fuentebella kaugnay sa ulat na muling bubuksan ang NBPP sa pag-sang-ayon na rin ng Pangulong Rodrigo Duterte.

“Tuloy po ang ating pag-aaral hindi lamang sa Bataan Nuclear Power Plant kundi sa nuclear policy in the light of new development sa technology… what are the adjustments na dapat gawin ng pamahalaan in case of self-institutional arrangement and ano ang gagawin natin kung magkakaroon ng mga planta kasama na ang NBPP? Hindi pa naman siya final na mayroon tayong papatakbuhin na planta gaya ng NBPP,” ayon kay Fuentebella sa panayam ng Radyo Veritas.

Pinasinungalingan naman ng Energy spokesman na naglaan na ng budget ang Administrasyong Duterte para sa operasyon ng NBPP sa halip aniya, pinag-aaralan pa ang financial model sa gagamiting latest technology sa nuclear,“Wala pa itong budget, pero working figure ito at pag-aaralan kung ano ang financial model na susundin kasi di siya ganun kadetalyado pa, pero mayroon may mga figure na in-explore ngayon, kung ano ang susundin sa financial model na pede tingnan, private or government at kung sa technology side ano yung latest technology na pwede gamitin and merun din sa institutional side ano ang mga arrangement like how do we ensure safety, transparency, papaano makakalahok ang taong bayan sa debate sa policy para kung may dedesisyunan madedesisyunan na ‘to,” pahayag pa ni Funetebella.

Tiniyak naman ni Fuentebella na may sapat na supply ng kuryente ngayon sa bansa subalit tinitingnan pa rin nila ang affordability and reliability nito lalo na at madalas pa rin ang blackout at brownout.

“Ang sitwasyon natin sapat ang supply kaya lamang may kuwestiyon tayo tungkol sa affordability, sa presyo. Tinitingnan din natin ang reliability like maaasahan ba yung power? Kasi magkakaroon pa rin tayo ng retained power interruption or brownout at para magkaroon tayo ng comprehensive strategy kung ano gagawin natin sa energy policy natin. Iniisa-isa natin ang mga source, pricing ang techology para magka-come up tayo ng national petition on the mater. Mandato kasi ng (DoE) is to ensure the affordability, we have quality reliable and i-secure ang supply, so kailangan na pag-nag-report kami sa Kongreso, sa Pangulo at sa taong-bayan hinihingan kami ng detalye kaya need na magbuo ng steering committee ang under DoE, kasama ang DOST para makumpleto ang pag-aaral na ito at magkaroon tayo ng national decision on the matter,” ayon pa sa Energy spokesman.

Samantala, muling nagpahayag ng pagtutol ang grupong Nuclear Free Bataan Movement sa ulat na muling buhayin ang nasabing planta.

“1970’s nag-ooppose na kami ayaw na namin ang pagtatayo ng BNPP sa maraming kadahilanan. Unang-una, itong pagiging delikado ng puwesto ayon na rin sa mga report ang BNPP ay nakaupo sa offline ng isang fault line, malapit sa isang volcano na sinasabing maaaring pumutok, 3rd, ang pagtatayo ng BNPP ay may defects ng mga 40,000 defects 4th, panahon ng Martial Law dapat sana P100 milyon lamang ang gastos pero umabot ng bilyon dollars dahil sa corruption, 5th, sa usapin ng waste very toxic ito, ang Japan hindi nga nila kinaya ang aksidente nito sa Fukushima, hanggang ngayon problema pa rin, at kung magkaroon ng aksidente hindi lamang yung oras na yun ang epekto kundi generation to generation,” ayon kay Derec Abe, coordinator ng grupo sa panayam ng Radyo Veritas.

Batay sa pag-aaral ng Department of Energy (DOE), National Power Corporation (NAPOCOR) at Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) aabot sa $1 billion ang magagastos ng pamahalaan sa loob ng apat na taon para sa muling pagbuhay sa BNPP.

Una ng tinututulan ni Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos na muling buhayin ang Bataan Nuclear Power Plant dahil sa malaking kapahamakan ang idudulot nito una na sa kalusugan ng pamayanan at pangalawa ay sa kalagayan ng kalikasan lalo’t tumitindi ang epekto ng climate change sa buong mundo lalo na sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 25,286 total reads

 25,286 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 59,276 total reads

 59,276 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 95,759 total reads

 95,759 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 113,971 total reads

 113,971 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 196,956 total reads

 196,956 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 217,051 total reads

 217,051 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 356,117 total reads

 356,117 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top