162 total views
Ikinababahala ng isang Obispo ang kawalang paggalang sa buhay ng mga otoridad sa pagpatay sa mga small time na drug pushers at drug users.
Ayon kay San Jose Bishop Robert Mallari, una hinahangaan niya ang bagong pamahalaan sa political will nito na labanan ang kriminalidad na may kaugnayan sa iligal na droga.
Subalit, inihayag ni Bishop Mallari na lubos ang kanyang panalangin para sa Philippine National Police na igalang pa rin ang karapatang pantao ng mga pinaghihinalaang sangkot sa illegal drug trade sa bansa.
Binigyang diin ng Obispo na nakababahala na ang kawalan ng paggalang sa dangal ng buhay lalo na ng mahihirap na sinasabing sangkot sa iligal na droga.
“Una, we recognize that for the first time we see our government showing a political will to fight against criminality related to drugs and we commend our present government for this. We pray that the PNP will respect the law, the rights of others, and always consider the absolute value of human life. I am worried about the degradation of human life, especially of the poor (addicts or pushers they may be) who are not really the “big fish” and who are in the drug business only for survival,” pahayag ng Obispo sa Radio Veritas.
Sa datos ng PNP, umaabot na sa 192 na ang napapatay na sinasabing drug users at drug pushers habang 8,110 naman ang naaresto at 35-libo ang sumuko sa mga otoridad sa loob 9-na linggo ng bagong pamahalaan.