Obispo, nanawagan ng panalangin sa beatipikasyon ng paring nag-alay ng buhay para sa mga Lumad

SHARE THE TRUTH

 270 total views

Nanawagan si Diocese of Dipolog Bishop Severo Caermare sa mga mananampalataya na ipanalangin ang beatipikasyon ni Father Francesco Palliola, isang martir na nag-alay ng kanyang buhay sa Panginoon sa pamamagitan ng pagtulong at paglilingkod sa mga lumad ng Zamboanga Peninsula.

Ayon kay Bishop Caemare, napakamakahulugan ng pagiging martir ni Fr. Palliola dahil ito ang kauna-unahang dayuhang martir sa Pilipinas, at magiging kauna-unahan mula sa Mindanao.

“It would be very significant for us to have one from Mindanao, and not only from Mindanao [because] he also represents the foreign missionaries from Mindanao as a first martyr,” bahagi ng pahayag ni Bishop Caermare.

Dagdag pa ng Obispo, malaki ang maibibigay na inspirasyon ni Father Palliola para sa mga residente ng Mindanao lalo na sa nagaganap na digmaan sa Marawi City.

Paliwanag ni Bishop Caermare, si Fr. Palliola ay naniniwala na malaki ang magagawa ng pakikipagdiyalogo upang makamit ang tunay na kapayapaan dahil ito ang ginawa ng Pari nang mamatay ito dahil sa pananampalatayang Kristiyano.

“Fr. Francesco would be a man of dialogue, he could be a man who pursue peace despite of the violence that has happened, and I think that is also what we [need], to open ourselves to some sense of dialogue and respect to culture to religion, that everyone aspire. We aspire for peace and we ask you also to pray for us for peace in Mindanao,”dagdag ni Bishop Caermare.

Si Fr. Francesco Palliola, SJ ay isang maharlika na isinilang sa Nola, Naples, Italy noong ika- 10 ng Mayo 1612.

Naordinahan itong pari noong ika-6 ng Pebrero 1637 at pumasok sa Kongregasyon ng mga Heswita.

Taong 1643 nang dumating ito sa Pilipinas at naglingkod sa mga Lumad sa Ponot na ngayon ay maskilala bilang Dalman, Zamboanga Del Norte.

Pinatay si Fr. Palliola noong ika-29 ng Enero 1648 dahil sa patuloy nitong paglilingkod at pagtuturo ng pananampalataya sa mga Lumad.

Magmula noon, naging bahagi na ng kultura ng mga Lumad ang magtipon-tipon tuwing ika-29 ng Enero upang ipanalangin si Fr. Palliola at humingi ng gabay mula sa Panginoon sa pamamagitan ng pari.

Samantala, sa ika-14 ng Septyembre ngayong taon inaasahang matatapos ang Diocesan Process ng beatification ni Fr. Palliola at susunod na dito ang Roman phase.

Kakailanganin naman ng isang milagro sa pamamagitan ni Fr. Palliola upang maideklara itong Beato.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gawing viral ang katotohanan

 138 total views

 138 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 14,958 total views

 14,958 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Lupain ng kapayapaan

 32,478 total views

 32,478 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 86,052 total views

 86,052 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 103,289 total views

 103,289 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Jerry Maya Figarola

Alay Kapwa Orientation program, inilunsad

 22,286 total views

 22,286 total views Inilunsad ng Caritas Philippines ang Alay-Kapwa Orientation program sa Diocese of Boac upang mapalalim at higit na mapalawig ang adbokasiya nito. Ito ay

Read More »

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 153,138 total views

 153,138 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 96,984 total views

 96,984 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Scroll to Top