Maging malaya sa takot at karahasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 319 total views

Ito ang naging panalangin ni Marawi Bishop Edwin Dela Pena kaalinsabay ng paggunita ng Pilipinas sa ika-119 taong araw ng kasarinlan o Independence Day.

Hininiling din ni Bishop Dela Pena sa Panginoon na matigil na ang giyera at makabalik na sa payapang pamumuhay ang mga residente ng Marawi.

“Sa Marawi sana matigil na ang kaguluhan, ang giyera at makabalik na tayo sa dating pamumuhay na mapayapa at sana lahat tayong mga Filipino na nagmamahal sa kalayaan ay manalangin din para maibalik sa atin ang tunay na kalayaan. Maging malaya tayo sa ganitong karahasan. Maging malaya tayo sa pangangamba, sa takot at pangangamba sa mga terorista.”panalangin ni Bishop Dela Pena.

Ipinagdarasal din ng Obispo na maligtas sa kapahamakan at anumang kalamidad ang bansa.

“Magiging ligtas tayo sa mga panganib at iba pang mga natural na kalamidad. Panginoon, ito ang aming dasal”.bahagi ng panalangin ng Obispo.

Ipinagpasalamat din ni Bishop Dela Pena sa Diyos ang ibinigay na magandang buhay at umaga sa bawat isa.

“Nagpapasalamat kami sa magandang umagang binigay niyo sa amin. Very quiet ang aming kapaligiran sa ngayon”, dasal ni Bishop Dela Pena.

Kaugnay sa ika-119 na Independence Day, ipinaalala ni Nueva Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona, chairman ng CBCP-NASSA/Caritas Philippines sa mga Filipino na iisa ang ating bandila, iisa ang Panginoon, iisa ang bayan at makakamit ang tagumpay sa pagkakaisa.

Umaapela ang Arsobispo sa bawat mamamayan na pagsumikapang ibuhos ang damdamin, kaisipan at kakayahan para sa iisang layuning maitaguyod ang kaunlaran ng bayan partikular na para sa mga kabataan at susunod pang henerasyon.

Bukod dito, ipinaalala rin ng Arsobispo na ang ganap na paghilom mula sa mga masasakit na naganap sa nakaraan ay nasa pagpapatawad.

“Ang pinakamahalaga sa lahat ay iisa ang ating bandila, iisa ang ating Panginoon, iisa ang ating bayan pagsumikapan natin na ibuhos ang ating kaisipan, damdamin, mga tulong para lalo nating maipakita na ang tagumpay ay nasa pagkakaisa, ang healing ay nasa pagpapatawad at higit sa lahat ang magandang kinabukasan ay nasa pagsasama-sama natin pagkilos lalo na para sa ating mga kabataan, para sa ating mga anak…”pahayag ni Archbishop Tirona sa panayam sa Radio Veritas.

Nauna nang kinilala at pinanalangin ng Military Ordinariate of the Philippines ang mga maituturing na bayani na mga sundalo at pulis na namatay, sugatan at patuloy na lumaban para sa pangkabuuang kapayapaan ng buong Mindanao.

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 106,924 total views

 106,924 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 150,532 total views

 150,532 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 232,368 total views

 232,368 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 240,562 total views

 240,562 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

11-member prosecution panel, buo na

 11,138 total views

 11,138 total views Pormal nang binuo ng Kamara de Representantes ang 11-miyembrong prosecution panel na hahawak sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte sa

Read More »
Scroll to Top